Ang Unang Transgender na nakapagtapos ng may Award Sa PUP



Sa ating bansa, hindi pa rin lubusang tinatanggap sa kumunidad ang mga miyembro ng LGBT. Marahil ay nagiging tradisyonal pa rin ang pagiisip ng ilang mga tao na nagiging dahilan ng hindi pagtanggap sa mga ganitong klaseng tao. Para sa isang LGBT, isang pahirap sa kanila ang makisalamuha sa ibang tao. At ang isa sa pinaka matinding dagok ng kanilang buhay ay ang pagtanggap ng kanilang magulang, ng kanilang totoong pagkatao. Kaya naman isang biyaya na para sa kanila ang matanggap ng lubusan ng kanilang mga mahal sa buhay.



Pero kahit na ganito sila, ang ilan sa mga miyembro ng LGBT ngayon ay matagumpay at marami ng napatunayan sa mundo. Isa na dito si Vice Ganda na talagang kilalang-kilala na sa showbiz. Ilan pa ay sina Aiza Seguerra at Charice Pempengco (ngayon ay si Jake Zyrus) na mga sikat na mang-aawit.


Isang nagva-viral ngayon sa social media ay ang isang transgender na nakapagtapos ng kanyang pagaaral ng may karangalan. Siya ay si Ianne Gamboa na nakapagtapos sa Polytechnic University of the Philippines bilang Magna Cum Laude.


Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Ianne Gamboa bilang isang transgender. Noong kabataan niya ay madalas siyang inaasar. Minsan pa nga ay nasasaktan pa siya. Buti na lang at nandiyan ang kanyang mga magulang upang protektahan siya. Isang Pulis ang kanyang ama. Ayon sa ama ay gusto niya rin sanang maging isang pulis ang kanyang anak. Ngunit napansin niya na malamya ang kanyang anak noong ito ay tatlong taong gulang pa lamang.



Ang pagiging transgender ni Ianne ang naging dahilan upang magustuhan siya ng mga kalalakihan. Kaso kapag nalaman nila na dati itong lalaki ay umaayaw na sila. Gayon pa man, kahit na transgender, hindi ito naging balakit kay Ianne upang suklian ang pagmamahal ng kanyang mga magulang. Pinatunayan niya ito sa kanyang pagaaral.

Lahat ng tao ay pantay-pantay. Ano man ang kasarian ay dapat irespeto at igalang. Itrato ng bilang isang tunay na mamamayan na may puso at damdamin. Si Ianne ang nagpapatunay na hindi magiging hadlang ang pagiging miyembro ng LGBT sa pagkamit ng pangarap.






error: Content is protected !!