Isang matanda ang kinagiliwan ng publiko dahil sa paggamit nito ng basyo ng softdrinks sa kaniyang pagluluto!



Marami sa ating mga Pilipino ang mahilig magluto, ngunit sa ibang tao ay hindi lamang pala ito basta basta isang hilig o interes dahil sa isa itong paraan upang maipakita sa ating pamilya ang ating pagmamahal sa kanila. Maaaring abala tayo sa maraming mga gawain ngunit hindi naiwawaksi sa atin lalo na sa mga ina ng tahanan na maipagluto, maasikaso at maipaghanda ng pagkain ang kanilang mga mahal sa buhay.



Kung kaya naman kamakailan lamang ay kinagiliwan at ikinatuwa talaga ng maraming netizen ang matandang lalaki na ito na nakagawa ng sarili niyang diskarte sa pagluluto. Isa sa pinakamahirap na parte ng pagluluto ay ang pagpipirito lalo na kung takot tayo na matalsikan ng mantika. Hindi naman natin masisisi ang ilang takot na takot sa tumatalsik na mantika dahil bukod sa masakit ito ay maaari din itong lumobo at mas magtanggal pa ang sakit, di kaya naman ay magpeklat.


Ibinahagi ng “É nóis NASA” ang viral video na ito bagamat hindi pamilyar sa atin ang lenggwahe ng matandang lalaki ay makikita natin sa mga mata niya, sa kaniya kilos at tono ng pananalita niya na masaya siya sa kaniyang ginagawa at sa pamamaraan na kaniyang nadiskubre. Sino nga naman ang makakaisip na gawing “shield”, pangharang o kalasag ang isang plastik na basyo ng softdrinks laban sa tumatalsik na mainit na mantika? Ang nasabing video ay mayroong caption na “Uma boa ideia” at kasalukuyan nang mayroong 42.3 libong reaction, 45.6 libong comment, at 376 libong shares.


Maraming mga netizen ang nagkomento patungkol sa video na ito na ang ilan nga ay nagsasabing sana ay bumili na lamang siya ng may naaayon na gamit. Samantalang marami din naman ang nagsasabing isang henyo ang matandang lalaki na nakaisip ng ganitong pamamaraan.



Habang ang ilan pa nga ay susubukan din diumano ang nasabing pamamaraan lalo na kapag sila ay nagpipirito ng paboritong ulam ng kanilang pamilya. Talaga namang nakakamangha ang ideya na ito maaari din namang makatulong sa maraming mga Pilipino na nagluluto para sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.




error: Content is protected !!