Mga indibidwal na mayroong “down syndrome” nagkaroon ng pagkakataong maranasan ang OJT sa isang hotel sa Davao City!



Isang hotel sa Davao City ang naging maingay sa social media matapos nitong tumanggap ng ilang mga indibidwal na may “down syndrome” na malimit mangyari sa mga establisyemento lalo na dito sa ating bansa at maging sa iba pang parte ng mundo.


Noong ika-13 ng Nobyembre ay nagpabatid sa social media ang Green Windows Dormitel na sila ay tumanggap ng mga bagong “On-The-Job Trainees” o OJTs ngunit hindi na nagpabatid pa ng karagdagang impormasyon. Mapapansin sa mga larawan na ang mga bagong “OJTs” na kanilang tinanggap ay mga indibidwal o taong may espesyal na pangangailangan lalo na ang mga may “down syndrome”.




Ayon sa ilang ulat ito pala ay dahil sa pangunguna ng Down Syndrome Association of the Philippines Inc. para mabigyan ng mas malawak na pagkakataon ang mga indibidwal na katulad nila. Ayon sa head of Sales and Marketing ng nasabing hotel na si Pio Sto.


Domingo, ang mga espesyal na indibidwal katulad nila ay marapat lamang na bigyan ng pagkakataong magsanay at kalaunan ay magkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho. Dagdag pa niya na ang pag-unlad ay nangangailangan ng pagsasama-sama o pagkakaisa.


Kung kaya naman naging bukas ang kanilang mga isipin at ang pintuan ng kanilang establisyemento para sa mga taong mayroong “down syndrome”, at dahil dito sila ay mas magiging mahalagang parte ng isang pangkat.


Ang nasabing kumalat na post ay umani ng maraming papuri at higit sa labing-dalawang libong reaksyon. Lubos ang paghanga ng marami sa pagtanggap ng hotel sa mga taong ito dahil sa kabila nang kanilang kakayanan at kaisipan ng isang bata ay nagkaroon pa rin sila ng ganitong uri ng pagkakataon.




Tunay ngang nakakagalak ng pusong malaman na mayroon pa rin pa lang mga taong katulad nila na nagtitiwala at nagbibigay ng oportunidad sa kabila ng kakulangan o kapansanang tinataglay ng isang tao. Nawa sila ay maging inspirasyon pa sa maraming mga tao at mas maging malawak pa ang kanilang pang-unawa sa mga taong nangangailangan ng espesyal ng pagkalinga.




error: Content is protected !!