Karina Johnson, kilala bilang bagong Kim Domingo na lubos na hinahangaan ng maraming netizens!



Isa ka rin ba sa mga humahanga sa angking kagandahan, kasexyhan, at porselanang balat ni Kim Domingo? Hindi maipagkakailang isa siya sa mga artistang pinapantasya ng maraming kalalakihan sa ngayon. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng usap-usapan patungkol sa kumakalat na larawan na tila kamukha diumano ni Kim Domingo!



Siya ay si Karina Johnson, isang modelo na walang ibang hilig kundi mag-ehersisyo at alagaan ang kanyang katawan, kitang-kita naman sa kanyang mga larawan sa kanyang social media account. Naging usap-usapan siya sa social media hindi lamang sa pagkakamukha niya sa aktres at komedyanteng si Kim Domingo, nakilala rin siya dahil sa kanyang mapupulang labi, nangungusap na mga mata, at ma-alindog na pangangatawan na talaga namang kinaiinggitan ng maraming mga kababaihan ngayon.


Tunay ngang inihahambing siya ng marami sa isang Diyosa, maganda na ang kanyang mukha ay mayroon pa siyang kaakit-akit at malaperpektong katawan! Dahil sa mga larawang ito ni Karina, hindi na nakapagtatakang marami ang humahanga sa kanya at naghihintay ng marami pa niyang mga larawan sa social media. Ang half Puerto Rican at half Filipina na ito ay mayroon nang 280,000 followers sa kanyang social media account at patuloy pang lumalago dahil sa kasikatang tinatamasa nito.


Ano kaya ang kahihinatnan ng dalagang ito sa industriya ng show business? Maging parte kaya siya nito? Masilayan kaya natin siya sa mga telebisyon o pelikula sa mga susunod na araw? Nananabik na ang lahat na magkaroon na naman ng isang magandang bituin sa pelikula at telebisyon!



Sa angkin niyang kagandahan at sa malaperperkto niyang katawan, paniguradong magkakaroon at magkakaroon siya ng lugar sa industriyang ito ng show business! Iba talaga ang gandang Pilipina, kapansin-pansin, kahanga-hanga at umaangat sa lahat! Iba talaga kapag Pinoy! Karina Johnson is the New Kim Domingo Admired by Netizens




error: Content is protected !!