Mga maaaring maging epekto ng labis na paggamit ng cellphone tuwing gabi bago matulog, alamin!



Aminin mo, isa ka rin sa mga taong matutulog na lang ay hindi pa rin matiis na hindi magbukas ng cellphone para matingnan ang kanilang social media account. Ngunit minsan rin naman ay mayroon kang mga kailangang tapusin para sa kinabukasan na nangangailangan ng mahabang oras sa harapan ng iyong kompyuter, laptop o cellphone.


Ngunit lingid sa kaalaman ng marami na ang palagiang paggamit ng mga gadgets na ito tuwing gabi ay maaaring magdulot ng hindi mabuti sa ating kalusugan at pangangatawan. Pangunahin na rito ang “radiation” na malaki ang magiging negatibong epekto sa ating mga mata sa katagalan ng pagiging lantad nito sa delikadong liwanag.



Nadiskubre ng mga eksperto na ang mga smartphones ay mayroong kinalaman sa mga nakalistang ito:

1. Nakakaapekto ito sa oras ng iyong pagtulog



Ang “blue light” ay nakakapag-antala ng produksyon ng melatonin na nagbabalanse ng “sleeping cycle” sa ating katawan na maaari pang magdulot ng iba’t-ibang mga isyung pangkalusugan tulad na lamang ng labis na pagbigat ng timbang, madaling makararanas ng depresyon, problema sa “cardiovascular”, makakaapekto ito sa iyong memorya, magmumukha kang matanda at kakaiba lalo na sa iyong mga reaksyon sa mga bagay bagay.

2. Makasisira ito sa iyong mga mata



Ang madalas at labis na pagkaka-expose ng ating mga mata sa “blue light” ay nakasisira ng retina at nakapagpapabilis ng muscular degeneration na pagkawala rin ng paningin at maaari din makapagdulot ng katarata.

Hindi naman masamang gumamit ng cellphone sa gabi. Marapat lamang na limitahan ang labis na paggamit nito at maging responsable sa paggamit ng mga gadgets. Mas mabuti rin ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili para na rin sa ikabubuti ng iyong mga mata, ng iyong kalusugan, at ng iyong katawan.






error: Content is protected !!