Ang Kwento sa buhay ni Willie Revillame, ibihagi, Nagbigay ng aral sa maraming tao

Ang buhay ay talagang punong puno ng kulay. Minsan talaga ay maiisip natin kung bakit tayo binibigyan palagi ng pagsubok. Minsan din ay napapaisip tayo kung bakit puro hirap lang? Siguro ay may nalalampasan lang tayo na mahalagang detalye sa mga kaganapang ito. Isang masayang karanasan para sa atin ang malampasan ang mga dagok ng ating buhay at makatamasa ng buhay na maginhawa. Isa ang kwento ni Willie Revillame na magpapatunay na walang imposible sa taong nagsusumikap. Ito ang kwento ni Kuya Wil ng nakaraan niyang mahirap na buhay.


Si Wilfredo Buendia Revillame o mas kilala nating Willie Revillame ay pinanganak noong ika-27 ng Enero taong 1961 sa probinsya ng Nueva Ecija. Mayaman ang kanyang ama ngunit mahirap naman ang kanyang ina. Sa hindi magandang pagkakataon ay hiwalay ang kanyang mga magulang. Nagkaroon narin ng ibang mga asawa ang kanyang mga magulang. Ito ang sinabi niya tungkol sa malungkot niyang karanasan sa magulang: “Na-experience ko ‘yung nakatira ako sa nanay ko na iba ang asawa. Nakatira ako sa tatay ko iba ang asawa. Babalik ako sa nanay ko iba ang asawa. Nabuhay ako ng halos ako mag-isa.”


Lumaki si Willie Revillame sa poder ng kanyang ina. Dahil sa kahirapan ng buhay, siya din ang nagaalaga ng kanyang kapatid kung papasok sa trabahong kanteen ang kanyang ina. Sa paglaki ni Kuya Wil natuto siyang dumipende sa kanyang sarili. Kaya naman naghanap siya ng pwede niyang maging trabaho.


Ito ang kwento ni Willie Revillame:
“Di ko nakakalimutan ‘yung Bustamante street. Barker ng jeep. Meycauayan-Malinta. Pagkatapos naglilinis ako ng jeep. Naglilinis ako ng jeep ‘yung krudo. Alam mo ‘yung lagayan ng mga langis, may basahan ako. Bibili ka sa palengke, ku-kruduhan mo ‘yung jeep.”


Nakapagtapos ng high school si Kuya Wil at nakapag aral ng Dentistry sa Centro Escolar University, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya natapos dahil sa kakapusan sa pera. Pero hindi dito natatapos ang pagpupursigi niya. Sa kagustuhang kumita, naging drummer siya ng isang banda. Sa isang pagtatanghal niya ay nadiskubre siya ni Randy Santiago. Inalok niya si Willie Revillame bilang maging sidekick niya at ito na ang naging simula ng kanyang career sa showbiz.


Dahil sa kanyang pagsusumikap at angking talento sa larangan ng showbiz. Tunay na pinagpala ngayon si Kuya Wil. Kilalang kilala natin siya ngayon sa mga palabas na tumutulong sa tao. Talaga namang hindi niya kinalimutan ang tumulong dahil alam niya ang kanyang pinagmulan. Ang kwento ni Kuya Wil ay nagtuturo sa atin na ang problema ay malalampasan kung ating haharapin at pagsusumikapan. Kung magsisipag ka, siguradong sa huli ay bibiyayaan ka.



Reply

error: Content is protected !!