Mga lumang larawan ni Liza Soberano at diumano ay “First Love” nito, viral ngayon sa social media!



Ilang mga larawan mula sa nakaraan ni Liza Soberano kasama ang isang gwapong lalaki ang kumakalat ngayon sa social media. Ang naturang lalaki na ito ay hindi si Enrique Gil na kaniyang “on and off screen partner”.


Kapansin-pansin sa mga lumang larawan na ito na batang-bata pa ang Kapamilya actress na si Liza ngunit talaga namang nakakabighani na ang kaniyang angking kagandahan. Mapapansin din na aktibo ito sa kanilang klase dahil mayroon siyang ilang mga larawan habang inaayusan niya ang kaniyang mga kamag-aral.




Mayroon din siyang ilang mga larawan kung saan nakasuot siya ng isang napakagandang gown at mayroon din namang mga larawan na tila kasali siya sa isang “pageant”. Tunay nga na noon pa man ay marami nang nakakasaksi sa angking kagandahan ng dalaga.


Hindi na nakapagtataka na nakilala din siya bilang isa sa pinakamagandang babae sa buong mundo. Ayon sa ilang mga ulat, ang gwapong lalaki sa larawan ay nagngangalang Rence Dwyer. Mayroon din itong caption na “Bago mag-LizQuen, meron ng LiCe.” Mayroong ilang mga netizens ang nagsasabing ang lalaki na ito ang “First Love” ni Liza bago pa man niya makilala ang nobyong si Enrique Gil.



Hanggang sa isinusulat ang artikulong ito ay wala pang sinasabing pahayag o kumpirmasyon ang Kapamilya actress tungkol dito. Si Enrique Gil ang nobyo ni Liza sa totoong buhay at siya rin ang “loveteam partner” nito.

Nakilala ang dalawa sa pinagsama nilang pangalan na “LizQuen”. Isa sila sa pinakamatagumpay at pinakasikat na tambalan sa industriya ng show business sa ngayon. Si Hope Elizabeth “Liza” Soberano ay 22 taong gulang na Filipino-American actress. Ilan sa mga nagawa niyang proyekto ay ang “Wansapanataym”, “Kung Ako’y Iiwan Mo”, “She’s the One”, “Must Be… Love” at marami pang iba.


Mas minahal at sinuportahan siya ng publiko dahil sa natatangi niyang pagganap sa “Forevermore” katambal si Enrique Gil.






error: Content is protected !!