Sila ang 10 Pinaka-mayamang tao sa Pilipinas



Halos lahat tayo ay pinangarap at tinatamasa ang masaganang buhay. Hindi lingid sa ating kaalaman na hindi madaling makamit ito. Maraming mga bagay na kailangan gawin upang maturing na isang matagumpay na dito. Ilan dito ay pagsisikap, pagsasakripisyo, at tiwala sa sarili.

Kay sarap naman talaga kasi ang mabuhay ng hindi ka namomoblema sa pera. Kaya naman hinahangaan natin ang ilang mga sikat na mga personalidad sa ating bansa.



Kaya naman ito ang 10 pinaka-mayayamang tao dito sa bansang Pilipinas:

1. Henry Sy ($20 billion/ P1.04 trillion)


Tumatayang 20 billion dollars o P1.04 Trillion ang net woth ni Henry Sy. Isang Chinese-Filipino si Henry Sy na may ari ng mha SM malls, SM PrimeHoldings, at mga sikat na bangko katulad ng Chinabank at BDO.



2. John Gokongwei Jr. ($5.8 billion/ P301.54 billion)



Nagkakahalagang 5.8 Billion dollars o P301.54 Billion ang net worth ni John Gokongwei Jr. Siya ang kilalang tao na may mga business na Robinsons Malls, URC o Universal Robina Corporation, at Cebu Pacific. Isa rin siyang chairman ng JG summit.

3. Enrique Razon Jr. (P254 billion)


Umabot ng 254 billion pesos ang net worth ni Enrique Razon Jr. na Chairman/CEO ng International Container Terminal Services Inc. Ilan pa sa mga pagmamay-ari niya ay ang Bloomberry Resorts and Hotels Inc. at Solaire.

4. Lucio Tan (P244 billion)


Mayroong 244 billion pesos na halaga ang net worth ni Lucio Tan na isang business tycoon. Ang ilang business niga ay ang LT Group at Asia Brewery. Nakilala din siya sa mga pagmamay-ari niya ng Philippine Airlines at ang bangkong Philippine National Bank (PNB).

5. Tony Tan Caktiong (P207 billion)


Nagkakahalagang 207 billion pesos ang net worth ni Tony Tan Caktiong. Isa sa mga pinaka-sikat na kainan dito sa Pilipinas ay ang Jollibee at ang taong nasa likod nito ay si Tony Tan Caktiong. Bukod sa pagmamay-ari ng Jollibee, nabili na rin niya ang ilang mga fastfood business katulad ng Chowking, Greenwich, Mang Inasal, at Red Ribbon.

6. George Ty (P202 billion)


Ang businessman na ito ay may 202 billion pesos na networth. Siya ay si George ty na chairman ng GT Capital Holdings na ang mga business interest ay banking, auto, insurance, power generation, at property development. Makikilala din siya sa pagmamay-ari niya ng Metrobank, Grand Hyatt, at Marco Polo hotels.

7. Manuel Villar (P155 billion)


Si Manny Villar ay may net worth na 155 billion pesos. Nakilala siya sa real-estate business. Nagmamay-ari siya ng VistaLand and Lifescapes at siya rin ang chairman ng Starmalls.

8. Andrew Tan (P140 billion)


Nagkakahalagang 140 billion pesos ang net worth ni Andrew Tan. Pagmamay-ari niya ang Alliance Global Group Inc. Ang business na ito ay humahawak sa mga kumpanya na Megaworld, Emperador Distillers Inc.,Golden Arches (Mcdonald’s Philippines).

9. Ramon Ang (P129 billion)


Si Ramon Ang ay may networh na 129 billion pesos na siyang may malaking shareholder sa San Miguel Corporation. Siya rina ng president/CEK ng Top Frontier Investment Holdings.

10. Robert Coyiuto Jr. (P72 billion)


Nagkaka-halagang 72 billion pesos ang net worth ni Robert Coyiuto Jr. Pagmamay-ari nkya ang Prudential Guarantee & Assurance. Isa itong malaking insurance company sa ating bansa. Pagmamay-ari din niya ang PGA Cars na isang distributor ng mga mamamahaling sasakyan katulad ng Bentley T Audi.




error: Content is protected !!