Silipin ang pre-debut photos nina Mavy at Cassy Legaspi



Ang “supertwins” ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel ay gumawa ng ingay sa social media kamailan lamang dahil sa kamangha-mangha nilang mga larawan na talaga namang kakikitaan mo ng labis na paghahanda sa nalalapit nilang kaarawan sa ika-6 ng Enero sa susunod na buwan.


Dahil sa pagkalat ng kanilang grandyosong mga larawan, hindi maipagkakailang isa sila sa may pinakamagagandang mukha sa industriya ng show business. Ang pagdiriwang ng ika-18 nilang kaarawan ay ang hudyat ng pagpasok nila sa panibagong yugto ng kanilang buhay kung saan hindi na sila ituturing pang mga bata dahil sila ay nasa wastong mga gulang na.



Isa rin itong paghahanda sa mas maraming responsibilidad, oportunidad at maging ng kalayaan sa ibang mga bagay. Sa katulad nilang mga artista ang paghahanda ng engrande ay kalimitang ginagawa.



Dahil sa mala-misteryoso nilang mga larawan hindi na makapaghintay ang marami sa darating nilang kaarawan. Nito lamang Hulyo ay pumirma ng kontrata ang Legaspi Twins sa GMA Artist Center. Ayon pa sa kambal nais daw nilang maging katrabaho ang kanilang mga magulang na naging inspirasyon din nila sa kanilang buhay.


Hindi maipakagkakailang handa na ang kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa pagtahak sa panibagong yugto ng kanilang buhay. Isang napakagandang larawan ng pamilyang punong-puno ng pagmamahalan sa isa’t-isa.


Sinong mag-aakala na ang dating maliliit at “cute” na sanggol ng mag-asawa ay magiging ganap nang mga indibidwal na tiyak na mas magiging inspirasyon pa sa maraming kabataang Pilipino hindi lamang sa istilo ng kanilang pananamit at pamumuhay kundi higit lalo sa maraming magagandang aral at ugali na naituro ng kanilang mga magulang sa kanila.






error: Content is protected !!