Mga makatotohanang itsura ng tao na gawa ng AI, naka-mamangha dahil aakalain mong hindi pala sila buhay na tao, pawang gawa lamang ng AI



Kung pagmamasdan mong mabuti ang mga litrato, aakalain mo talagang kinuhanan ito ng camera. Maiisip mo rin na buhay na buhay ang mga taong kinuhanan. Pero diyan kayo nagkakamali. Ang mga litratong ito ay gawa ng isang Artificial Intelligence (AI). Masasabing likha lamang ito at mga makikita mo sa litrato ay pawang hindi nabubuhay sa mundo.



Dahil sa pagunlad ng teknolohiya, ang mga NVIDIA ay nag-published ng isang pagaaral patungkol sa style based-generator architecture sa pamamagitan ng generative adversarial network (GAN).


Noong dati ay hindi pa masyadong pulido ang pagkakagawa. Ayon sa isang article, noong 2014 nagsimula ang GAN. Ang mga AI-generated results ay di kasing katulad ng nagagawa ngayon. Makalipas ng limang taon ng pagsusumikap ng mga researchers, mas naging makatotohanan na ang mga nagiging resulta. At hindi mo aakalain na hindi totoong tao ang mga nasa litrato. Aakalain mong kinuhanan ito ng camera.


At para makagawa ng mas makatotohanang litrato, ina-angkop nila ang nagagawang mga mukha na naaayon sa panahon. Ang NVIDIA researchers ay nagsumikap na gawin ang AI, na gamitan ng 8 powerful GPU’s sa loob ng isang linggo. Hindi lamang mukha o litrato ng tao ang kayang gawin ng AI, kaya din nito makalikha ng mga interior designs o mga real estate properties, larawan ng mga kotse o kahit anong sasakyan, at litrato ng mga hayop. At mga ito ay pawang generated lamang ng Artificial Intelligence at hindi makatotohanan.



Ang tanong lang ay ano ang magiging epekto nito sa ating kasalukuyang mundo? Makakatulong ba ito para sa maraming tao? Wala bang magiging negatibong resulta ito? Totoong isang malaking pagbabago ito sa mundo ng photography. Isipin mo na lang, hindi mo na kailangan lumabas ng bahay para maghanap ng iyong subject. Ang kailangan mo na lang ay isang AI application para makalikha ng litrato na kinakailangan mo.




error: Content is protected !!