Isang board topnotcher sa Pinas, nagtrabaho sa Australia bilang tagalinis ng palikuran bago makamit ang pangarap niyang trabaho!



Nakapasa siya bilang isang topnotcher sa Pilipinas ngunit hindi naging madali ang buhay para kay Jao Jundam lalo na ng magtungo siya sa Australia. At sa kabila ng kaniyang pagsasaya sa kaniyang buhay, pamamasyal sa iba’t-ibang mga lugar, at pagkain niya ng masasarap na mga pagkain ay ibinahagi din niya ang naging karanasan niya bago pa man niya makamit ang kaniyang mga pangarap. Sa kaniya mismong social media account ay ibinahagi niya ang nakamamangha niyang kwento para sa ika-25 taon niyang kaarawan.



Inamin niyang karamihan sa kaniyang mga social media post online ay patungkol sa kaniyang masaya at masaganang buhay sa iba’t-ibang lugar na kaniyang pinapasyalan at talaga namang puno ng saya at ngiti ang kaniyang mga post sa social media. Ngunit sa kabila ng mga ito ay ang takot niya na hindi niya kayanin ang mga maaari niyang maranasan sa Australia. Bukod sa paglilinis ng palikuran ay nasubukan na din niyang sumubok ng iba pang mga trabaho at maranasang maglakad sa gitna ng malamig na panahon makapunta lamang sa mga lugar na kaniyang pagtatrabahuhan.

Natutunan din niyang mag-budget at magtipid ng pagkain upang mapagkasya niya sa mga susunod pang araw ang kaniyang natitirang panggastos. Naging “above-average” na estudyante man siya sa Pilipinas ay talaga namang marami siyang natutunan sa Australia. Naranasan din niyang magkaroon ng mga bagsak na subjects sa kaniyang Bachelor’s at Master’s degrees.


Nagsimula siya sa pinakasimula at sa pinakamababa kung kaya naman batid niya ang hirap ng buhay sa kabila ng sarap ng buhay na kaniyang tipikal na nararanasan noon. Kung kaya naman hinihikayat niya ang marami na kung nakamit na ang tagumpay ay huwag na huwag kalimutan na tulungan din ang iba pang tao na nangangailangan ng tulong.


Dahil mas masarap ang tagumpay kung mayroon kang ibang tao na nakakasama sa pag-abot ng mga tagumpay na ito.






error: Content is protected !!