Mga klasik na gatangan noon, naaalala mo pa ba ngayon?



Maraming mga magagandang bagay at kaugalian noon ang mga Pilipino na talaga namang naging bahagi na ng ating buhay. Marahil ay marami sa mga ito ang wala na sa ngayon o sadyang napaglipasan na ng panahon ngunit sa kabila nito ay talaga namang hindi na maiwawaglit pa ang mga alaala natin na nakapaloob na sa mga bagay o pangyayari na ito sa ating nakaraan. Isa ka rin ba sa mga tao na nakaranas makagamit ng ganitong uri ng gatangan? Kadalasang nakikita natin ito noon na gamit ng ating mga lola o ng ating mga ina sa tuwing sila ay magsasaing ng ating kakainin.


Maraming mga netizens ang hindi napigilang magbalik-tanaw sa mga alaala ng nakaraan na nakakabit sa klasikong gatangan na ito ng bigas. Narito ang ilan sa mga naging pahayag ng mga netizens:
“May bilin lagi sa amin si nanay noon.



Kapag daw maggagatang ng bigas, huwag sasalukin. Gamitin mo iyong kamay mo para punuin ang gatang dahil kapag mismong ‘yong gatang ang isinalok mo, mas marami raw laman iyon kasi nasisiksik,” komento ni Fellie Delos Reyes Olan.


“Ako senior citizen na pero gatang pa rin ang gamit. Iyan ang ipinamana sa akin ng nanay ko. Hahaha! Wala kasi kaming kayamanan kaya iyan lang ang kanyang naiwan.” Pagkukwento naman ni Lorn Pilar.



“Gatangan na gawa sa lata iyan, di ba? Mas gusto ko iyan kaysa sa plastik na gatangan ngayon,” komento naman ni Bernard Santos.


“Diyan namin nalalaman kung lumalakas na kami kumain. Hahaha! Kasi sakto lang dapat ‘yong isang gatang para sa aming tatlo nina mama.” Ayon naman kay Ahkmenrha Cunanan.

Mayroon din namang mga nagkomento ng sarili nilang mga gatangan na kwadrado at gawa sa kahoy. Tunay nga na napakasarap balikan ng nakaraan lalo na kung napakarami mong magagandang alaala at natutunan sa mga ito, di ba?




error: Content is protected !!