Mga sikat na Celebrity mommies, magaganda pa rin kahit na sila ay buntis!



Isa sa mga kinababahala ng mga nagdadalang-tao ang pagbago ng kanilang katawan at itsura sa pagbubuntis. Hindi talaga maiiwasan ito sa mga nagdadalang-tao dahil kaakibat nito ang maraming pagbabago sa katawan.

Kaya naman lubos nating hinahangaan ang ilang mga celebrity na sa kabila ng kanilang pagbubuntis ay napapanatili nila ang kanilang katawan at kagandahan. Hindi biro ang gawaing ito para sa mga nakapag-silang ng sanggol. Sa kabilang banda, kinakailangan nilang mapanatili ang kanilang kagandahan dahil sila ay nasa mundo ng showbiz. At sa mundong ito kinakailangan mapanatili ang kagandahan at imahe sa mga manunuod.



Ito ang ilan sa mga celebrity mommies na maganda pa rin kahit sila ay buntis:

1) Marian Rivera



Ang primetime queen at kapuso aktress na si Marian Rivera ay napanatili pa rin ang kanyang magandang itsura at katawan sa kabila ng kanyang pagbubuntis. Pinagpala silang dalawa ng kanyang asawa na si Dingdong dantes ng dalawang anak.

2) Rochelle Pangilinan



Ang dating lider ng sexbomb dancer at isa ring kapuso star na si Rochelle Pangilinan ay isang halimbawa din ng walang kupas na kagandahan. Kahit na nagbuntis siya, napanatili niya ang kanyang itsura at katawan. Iba rin talaga pag isa kang dancer. Makikita rin sa kanyang mga social media accounts na masaya siya.

3) Nadine Samonte




Ang magandang si Nadine Samonte na nagmula sa isang talent shoe na Star Struck ay nagbuntis ng kanilang pangalawang baby. Sa kabila ng kanyang pagbubuntis hindi pa rin nagbago ang kanyang kagandahan.

4) Andi Manzano


Nakilala natin si Andi Manzano bilang isang TV host, Radio Jocket, at aktress. Isa rin siya sa mga nagbuntis na hindi nawala ang kanyang kagandahan.

5) Aubrey Miles




Ang seksi aktress na si Aubrey Miles ay isa ring magandang ina na sa kabila ng pagbubuntis ay hindi nawawala ang kanilang hugis at itsura. Partida, tatlo na ang nagiging anak niya.

6) Nathalie Heart


Isang ganap na pretty mommy na si Nathalie Heart. Kahit na siya ay buntis, mas lalo pang bumagay ang kanyang itsura at kagandahan.

7) LJ Reyes


Isa ring galing sa Star Struck ang magandang si LJ Reyes. Kahit na siya ay buntis ng 32 weeks, maganda pa rin ang kanyang itsura.

8) Miriam Quiambao


Sa edad na 43 ay napapanatili pa rin niya ang kanyang itsura kahit na siya ay nagbubuntis ng kanyang panglimang anak. Siya ang Miss Universe 1st Runner Up noong 1991.




error: Content is protected !!