Isang bata ang napagkamalang batang hamog dahil sa kaniyang hitsura, napagsaraduhan pa ito ng pinto ng sasakyan!



Kadalasan na nating nakikita ang ilang mga batang palaboy sa lansangan. May ilang mga tao man na naaawa sa kanila marami pa rin ang natatakot at kinakabahan na baka mamaya ay mayroon silang gawin na hindi tama o maaaring makapanakit din.


Nasanay man ang marami sa atin na husgahan ang ating kapwa base sa kanyang panglabas na kaanyuan, mayroon pa rin namang iilan na hindi ito isinasagawa sa kanilang mga buhay. Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang kwento ng batang ito kung saan umani ito ng maraming simpatya sa mga netizens. Ayon sa post ng nagngangalang Ann Gavarra noong 8:11 ng umaga ika-20 ng Disyembre.



Nakasakay siya sa isang pampublikong sasakyan ng biglang sumakay ang kanyang katabi at kasunod nito ang isang batang lalaki na akala ng karamihan ay katulad ng mga batang namamalimos at nanghihingi ng pera kung kaya naman agad agad na isinira ng mga nakasakay sa sasakyan ang pinto. Lingid sa kanilang kaalaman na sasakay lang din naman ang pobreng bata. Bagamat nasaktan ang bata sa pagkakasara ng pintuan sa kanya, naupo pa rin ito ng maayos sa sasakyan at nagbayad ng kanyang kaukulang pamasahe.


Ang nasabing viral post ay mayroon nang 17,804 shares sa kasalukuyan at nasa 50 libo na ang nagre-react dito. Nakakalungkot man ngunit bakit sa ating bayan ay ganun na lamang tratuhin ang mga taong lansangan? O maging ang mga taong hindi man taong lansangan ay nahuhusgahan dahil sa kanilang pananamit o pisikal na hitsura.




Ganito na ba talaga tayo? Nasaan na ang pagmamahal sa kapwa na hindi lamang dapat Pasko ipinararamdam at ipinamamalas sa mga tao. Nang dahil lamang sa panglabas na kaanyuan o maging ng pananamit ay lisensyado na ba tayong makapanakit, hindi man pisikal ngunit maging emosyonal na pananakit na rin! Gising Juan! Baka nakakalimutan mo na ang mahahalagang aral ng buhay.





error: Content is protected !!