Umani ng maraming komento at reaksyon ang bonggang paghahanda sa “1st monthsarry” ng magkasintahan na ito sa South Cotabato!



Mayroon tayong iba’t-ibang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating mga mahal sa buhay lalo na siguro sa ating mga kasintahan o asawa. Mayroong nagbibigay ng mga regalo, sorpresa o di kaya naman ay simpleng pagbati at matamis na halik lamang ay sapat na sa kanila. Mayroon din namang ilang mga tao na talagang pinaglalaanan ng oras, panahon at pera ang pagpapakita ng pagmamahal nila sa ibang tao.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga ang magkasintahan na ito kung paano nila ipinagdiwang ang unang buwan nila bilang opisyal na magkasintahan. Sila ay kabilang sa LGBT community mula sa South Cotabato. Talaga namang trending ngayon sa social media ang magkasintahan na nakilala bilang sina Sky Kyle Quencia at Christine Mae Garcia tila ba isang debut ang ibinigay ni Sky sa kaniyang partner na si Christine. Inilarawan nga ito ni Sky bilang isang pagdiriwang kasama ang espesyal na tao sa kaniyang buhay.


Binigyan pa niya ang nobya ng isang bouquet ng mga bulaklak at mga lobo na hugis puso. Kumpleto din ito ng tarpaulin, mantel, mga pagkain, videoke, soft drinks, bulaklak at mga lobo na tila pagdiriwang nga ng isang debut. Imbitado ang mg malalapit na kaibigan at kamag-aral ng dalawa na pagkatapos ngang kumain ay nagpasikat ang iba na kumanta sa videoke. Bago pa man ang handaan na ito ay sinorpresa na ni Sky si Christine sa kanilang paaralan at bibigyan pa nga niya ito ng regalo ayon na rin sa Facebook post ng una.


Marami man ang mga positibong komento sa nasabing post ay marami pa rin ang nagkunot noo at nagpaalala sa kanila na bilang mga kabataab ay dapat nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral at pamilya dahil ang edukasyon ay mahalaga lalo na sa mga panahon ngayon. Ang nasabing post ay mayroon na ngang higit sa 53,000 na mga reaksyon, at higit sa 100,000 na mga shares.




error: Content is protected !!