Kilalanin ang Angel Locsin look-alike ng South Korea na nakapukaw sa atensyon ng mga netizens



Ang mga Pilipino ay kilala na fanatic ng mga Asian telenovelas kung saan inaabot pa nga tayo ng maraming oras sa panunuod ng mga ito. Sa kabila ng kanilang mga salitang hindi pamilyar sa atin ay hindi pa rin ito naging hadlang upang mahalin natin sila at paglaanan pa ng maraming oras.


Ngunit aakalain ba ninyo na ang sarili nating kababayan na si Angel Locsin ay tila mayroong kakambal na isang Koreana? Siya ay si Yoo Jeongyeon, isa siya sa miyembro ng girl group na Twice. Talaga namang hindi mo mapipigilang maikumpara ang dalawa sa isa’t-isa.




Magmula sa kanyang mga nangungusap na mata, sa kanyang mapupulang mga labi at sa kanyang makinis na balat at magandang mukha, talagang mapapatulala ka na lang sa pagkakahalintulad ng dalawa. Maaaring mula sila sa magkaibang bayan at magkaibang pamilya ngunit nakakatuwang malaman na mayroon talagang mga tao na magpagkakamalan mong magkapatid o magkakambal.


Silipin pa ang iba’t-ibang mga larawan ni Yoo Jeongyeon at siyasatin ang pagkakahalintulad ng kanilang hitsura ng Kapamilya actress na si Angel Locsin na malapit na namang magtampok sa bawat Pilipino ng isang nakakamangha at nakakaiyak na programa na “The General’s Daughter”.



Higit kay Angel Locsin ay marami pa tayong mga artistang Pinoy at kilalang mga personalidad na mayroong mga kamukhang personalidad o ibang tao sa iba pang mga bansa.


Ilan lamang dito sina Kuya Kim Atienza na kahawig daw diumano ni Gong Yoo sa “The Goblin’s Bride”, at maging ng aktres at modelong si Liza Soberano na kamukhang-kamukha raw ng mang-aawit at mananayaw mula sa Momoland.




error: Content is protected !!