Isang babaeng namasyal sa Bhutan ng isang linggo, na-inlove at di rin nagtagal ay nagpakasal sa kanyang tour guide



Marami na sa atin ang nahihilig sa pamamasyal o pag-travel sa iba-ibang lugar. Ninanais at pinapangarap din natin mapuntahan ang ibang bansang may magagandang pasyalan lalong-lalo na sa mga kilalang lugar.



Isa na sa mga lugar na magandang puntahan ay ang bansang Bhutan. Ang lugar na ito ay madalas na sinasabing misteryosong lugar. Sinasabi rin ng ilan na ito ang ‘the worlds’s last Shangri-La’. Nakakahanga din ang mga sinaunang templo at mga magagandang tanawin ng lugar. Kaya naman isa ito sa mga dinadayo ng mga turista. Sigurado kasing maliligayagan ang taong makakapasyal sa lugar na ito. May isang pangyayari na nagiging usap-usapan ngayon. Isang babaeng namasyal sa Bhutan, nainlove sa kanyang Tourist Guide. Siya si Karen Lim, na sa loob ng isang linggo ay nakatagpo ng kanyang forever.


Si Karen Lim ay isang digital journalist at editor sa Singapore. Noong 2017 ay napag-isipan niyang mag-travel. Ito siguro ang naisip niyang paraan upang makawala sa mga pagsubok at problema ng kanyang buhay. Isa sa mga kagustuhan niya ay ang lugar na may spiritual healing. Ilan sa mga pinagpilian niyang lugar ay India at Nepal. Pero noong August 2017 dahil sa matinding pagiisip, bansang Bhutan ang napili niya.


Sa kanyang paghahanda ng kanyang travel sa Bhutan, siya ay humiling ng isang Senior Tour Guide na maalam sa kultura at history ng bansa. Sa loob ng isang linggo sa Bhutan, siya ay nabighani at napamahal na sa lugar.

Ayon sa isang blog ni Karen na may pamagat na ‘Life in Bhutan’:
“That kind of peace is something you’d probably experienced while you were a child: worry-free, no anxiety, calm, simple and seeing the beauty in the tiniest things,” Karen wrote on her blog, Life in Bhutan. Sa maikling panahon niya sa Bhutan, ay naramdaman na ni Karen at kanyang Tour Guide na si Ngawang, ang pagmamahalang nabubuo sa isat isa. Ilan sa mga kaganapan ay ang hiking nila sa Tiger’s Nest na isang Buddhist sacred site.



Ito ang sinabi ng Tour Guide na si Ngawang:
“Magic happened. And I’m very lucky to have found her,”

Bumalik ng singapore si Karen, ngunit nararamdaman niyang may kulang na sa kanya. Sabi niya sa isang blog na hindi na siya katulad ng dati. Marahil dahil ito sa salitang pagmamahal. Kaya nung Pebrero din ng sinundang taon, bumalik ulit si Karen sa Bhutan at dito ay inaya na siya magpakasal ni Ngawang.

Ayon kay Karen:
“We fought to be together despite all the obstacles in our way and will continue to fight side by side. Because we both believe that love is not giving up on each other when times get tough.”



Nitong October 27 ay kinasal na silang dalawa at masayang namumuhay sa Thimpu, kapital ng Bhutan.

Isa sa mga speech ni Karen sa kanilang kasal:
“Your quiet strength is one of the many qualities I admire and together, I know we can take on the next phase of our lives with courage, grace, kindness, and togetherness.”




error: Content is protected !!