Kilalanin si Donna Lazaro ang ina ni Iñigo Pascual at ex girlfriend ni Piolo Pascual!



Sino ba naman ang makakatiis sa nakakaakit na ngiti ni Papa P? Kahit noon pa man ay isa na siyang “ultimate hearthrob” kahit sa edad niya ngayon. Matapos ang matagal na pag-iingat niya sa kanyang pribadong buhay ay ipinakilala na nga niya ang kanyang anak na si Iñigo Dominic Lazaro Pascual o mas kilala rin naman sa publiko bilang si Iñigo Pascual.  Ipinanganak si Iñigo noong ika-14 ng Setyembre 1997 at siya ay lumaki sa Estados Unidos. Isa siyang mang-aawit, aktor, manunulat at ang tinig sa likod ng kilalang awitin na “Dahil Sa’yo”.



Sina Piolo at Iñigo ay mayroong samahan ng ama at anak na talaga namang hinahangaan at kinaiinggitan ng marami. Kung sila ay pagmamasdan mukha lamang silang magkapatid dahil sa kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa. Mapapanuod ang dalawa sa Sunday variety show sa ABS-CBN na “ASAP Natin ‘to”. Bukod kina Piolo at Iñigo ay ang isa pang parte ng kanilang pamilya. Siya ay ang ina ni Iñigo na dati rin namang kasintahan ni Piolo na si Donnabelle Lazaro.


Ang ina ni Iñigo na si Donnabelle ang kasama nito habang lumalaki sa ibang bansa. Bagamat hindi bukas si Donnabelle sa publiko, una siyang nakapanayam sa “Magandang Buhay” kasama ang kanyang anak kung saan nagbahagi sila ng ilan sa mga pribadong pamumuhay nila sa Estados Unidos. Naibahagi rin naman ng ina na noong bata pa lang ang anak ay mahilig na ito sa musika, hindi man siya ganon kagaling at kahusay pero mahilig talaga siyang umawit. Pag-amin pa nito ay tinawagan siya ng guro ni Iñigo noon para manuod siya ng paligsahan sa pag-awit na sinalihan ng kanyang anak noong nasa grade school pa lamang ito.


Dagdag pa ni Donnabelle hindi raw ganoon kagaling kumanta si Iñigo ngunit hanga talaga siya sa kumpiyansa nito sa kanyang sarili. Matapos ang paligsahang sinalihan ng anak ay naawa ito sa kanya dahil sa alam niyang hindi magaling ang kanyang anak sa pag-awit kung kaya naman in-enroll niya ito sa “voice lessons”.



Ayon pa sa ina, ayaw sanang payagan ni Piolo ang anak na sumabak sa industriya ng show business ngunit ng nakita at napansin nila ang hilig at pagmamahal nito sa musika ay sumang-ayon na rin ito sa gusto ng anak.

Buong pagmamahal ding sinambit ni Donnabelle sa kanyang anak na simula umpisa ay suportado na niya ito at kahit siya ay 21-taong gulang na ay hindi pa rin siya magsasawang suportahan ang anak.




error: Content is protected !!