Siya pala ang Unico Hijo ni Jean Garcia! Magandang lalaki pala talaga siya! Atin siyang kilalanin.



Kamakailan lamang ay umani ng maraming papuri at paghanga ang anak ni Jean Garcia na si Kotaru Shimizu. Sa ngayon ay nananatili pa ring lihim ang pagkakakilanlan ng ama ni Kotaru. Kamakailan lamang ay nagdiwang si Kotaru ng ika-16 niyang kaarawan.



Kasabay nito ay ang pagbati ni Jean Garcia sa kanyang anak. Ayon sa post ng beteranang aktres ay naging kumpleto siya mula nang isilang ang kanyang anak, proud na proud din daw siya na maging magulang ni Kotaru.


Pagsisiwalat pa ni Jean Garcia, ang ama daw ni Kotaru ay isang “advertising executive” sa Japan. Ayon pa sa ina ay hindi na raw mahalaga ang pagkakakilanlan ng ama ng kanyang anak at kung nasaan na ito ngayon.



Dagdag pa ng beteranang aktres na walang pinansyal na suportang natatanggap ang kanyang anak sa ama nito, sa kabila nito ay kuntento pa rin siya at masaya sa piling ng kanyang anak. Sinabi rin niya na bagamat hindi nagtagal ang samahan nila ng ama ni Kotaru ay masaya itong nagkaroon sila ng anak at siya ang ama.


Hindi man daw nagtagal ang kanilang samahan ay nagmahalan naman silang dalawa at si Kotaru nga ang naging bunga nito. Kung makikita ninyo ang mga post ni Kotaru sa kanyang social media account mapapansin ninyo ang hilig nito sa basketball kung saan siya ay nanuod pa nga ng NBA Live sa Staples Center.


Taga-hanga rin siya ng NCCA at nakapanuod na rin siya ng mga laban nito sa loob at labas ng bansa at nagkakilala na rin sila ng idolo niyang si Kobe Paras. Kung inaakala ninyong basketball lamang ang hilig niya, nagkakamali kayo. Dahil isa rin pala siyang fashionista na hilig ang mag-mix and match ng mga damit, sapatos at iba pang “accessories”.






error: Content is protected !!