Kim Chiu nagpasilip ng dating nilang tirahan noong hindi pa siya nagsisimula sa showbiz!



Si Kimberly Sue Yap Chiu o mas kilala ng publiko bilang si Kim Chiu ay 29 na taong gulang na Filipino-Chinese na aktres, mang-aawit, recording artist, at television host. Siya ay minahal at hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang pambihirang pagganap sa pelikula at telebisyon. Binansagan din siya ng publiko bilang “Chinita Princess” at “Princess of Philippine Movies and TV” nang tatlong magkakasunod na taon. Kinilala din siya bilang “Dance Floor Diva”.



Sa kasikatan na kaniyang tinatamasa ngayon ay hindi na nakapagtataka na makapagpundar siya ng mga ari-arian, negosyo, at sasakyan. Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin niya nalilimutang balikan ang buhay niya dati.




Kagaya na lamang ng nakaraang vlog niya kung saan niya itinampok at ipinasilip ang dati nilang tahanan noong sila ay mga bata pa lamang. Una niyang ipinakita ang malaking bahay ng kaniyang lolo at lola, matapos nito ay naglakad na siya sa isang makitid na daan patungo sa kanilang dating tahanan.




Isang simple at maliit na bahay lamang ito kung saan kasya na silang apat na magkakapatid. Sa isang tanaw lamang ay makikita mo na ang kabuuan ng kanilang munting tahanan. Mayroon din silang maliit ma banyo at lutuan kung saan diumano ay natutunan niyang magluto ng “instant noodles” na mayroong itlog. Maging ang mga gamit nilang magkakapatid ay sama-sama sa isang sulok ng bahay sa loob ng mga cabinet.




Matapos nito ay ibinahagi din niya ang tahanan ng kaniyang ina kung saan nakalagak ang mga labi nito. Nagkaroon sila ng maliit na pagtitipon-tipon para sa Araw ng mga Kaluluwa. Nagsama-sama at nagsalo-salo matapos ang ginawang misa para sa pag-alaala sa kaniyang ina. Pagkatapos nito ay ipinasilip din ni Kim ang bagong pundar niyang condo unit sa Cebu na mula sa kaniyang pagsusumikap at pagpapagal sa kaniyang trabaho. Tunay nga na isa siyang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino.






error: Content is protected !!