Isang ina ang nagbigay ng 2 libong piso sa kanyang anak dahil sa pag-iyak nito buong gabi sa paghihiwalay nito at ng kanyang nobyo.



Hindi alam ni Maria Florine Vergara Pressman na mismong ina niya pala ang makakarinig ng kanyang pag-iyak buong gabi dahil sa paghihiwalay nilang magkasintahan. Nang dahil dito ay binigyan ng ina ng mumunting handog ang kanyang anak na dalaga upang kahit papaano ay maibsan man lamang ang sakit na kanyang nararamdaman.


Kamakailan lamang nang maranasan ni Maria Florine ang nasabing masakit na pangyayari lingid sa kanyang kaalaman na narinig pala siya ng kanyang ina. Kasunod din nito ay nagbahagi rin siya ng kanyang damdamin sa kanyang social media account.




Nang magising siya nang umaga ay nagulat na lamang siyang makita ang dalawang isang libong piso na nakadikit sa kanilang refrigerator. Mayroon din itong maiksing sulat mula sa kanyang ina na nagsasabing “Igala mo yan #dramapamore”.


Ayon din sa post ng dalaga, hindi raw ito ang unang beses na makaranas siya. Pagbibiro pa niya sa kanyang social media account, ayos lang daw na makaranas siya nito kung pag bawat paggising naman niya ay mayroon siyang ganoong pampalubag-loob.



Maraming mga kabataan at netizens ang natuwa dahil sa post na ito. Natuwa ang maraming malaman na imbis pagalitan ang dalaga ay inintindi at inunawa ng lubusan ng ina ang kanyang anak na nakaranas ng hindi kanais-nais na pangyayari sa buhay. Ngunit mayroon din namang mga nagalit at nabahala dahil sa ginawang ito ng ina. Hindi raw tama na bigyan ng salapi ang mga kabataan kung makakaranas sila ng ganito mas mainam pa rin daw ang tamang paggabay sa kanilang mga anak. Ngunit kahit ano pa man ang opinyon ng nakararami, lubos pa rin ang pasasalamat ni Maria Florine sa kanyang mapagmahal at maunawaing ina.




error: Content is protected !!