Vanessa Bryant natagpuan ang love letter para sa kaniya ni Kobe Bryant bago ang kaniyang kaarawan!



Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Vanessa Bryant kung paano niya natagpuan ang isinulat na liham ng namayapa niyang mister na si Kobe Bryant. Ilang buwan matapos pumanaw ni Kobe Bryant at ng kanilang anak na si Gianna ay hindi mapigilan ni Vanessa na maging emosyonal sa kaniyang social media account dahil sa hindi pa nabubuksan na liham na ginawa mismo ng kaniyang pinakamamahal na mister para sa kaniyang kaarawan.


Ayon pa kay Vanessa nakasulat sa nahanap niyang larawan ang mga katagang “To: The Love of my Life.”



Nilagyan ni Vanessa ang kaniyang social media post ng caption na “Yesterday I found an envelope labeled To: The Love of my Life. From, Tu Papi. I waited to open one more letter on my birthday. It gave me something to look forward to today.”


Inalala din naman niya ang isang larawang ibinagay sa kaniya ni Kobe noon kung saan mayroon pang isang anghel na nakaguhit sa kaniyang tabi.


“The irony is that Kobe had a photo of me drawn with an Angel holding me up by an artist on the cover,” pahayag ni Vanessa.

Ayon pa sa post ng misis ni Kobe ay talagang miss na miss na niya ang kaniyang pinakamamahal na mister at ang kaniyang anak na si Gianna na sa ngayon ay magkasama na sa isang mas tahimik at payapang lugar. Nito lamang May 1 ay inalala din ni Vanessa ang kaarawan ng kaniyang minamahal na anak na si Gianna.



“Missing the love of my life and my sweet little mamacita- my fellow Taurus. Grateful to wake up to my three sweet girls today. Wish we were all together. #mybirthdaywish”

Tunay nga na hindi madali ang pinagdaraanan ni Vanessa bilang isang ina at bilang isang asawa ngunit nagsisilbing siyang matatag at napakagandang inspirasyon ng napakaraming mga kababaihan sa buong mundo na humaharap din sa mga mabibigat na pagsubok sa buhay.






error: Content is protected !!