Anak ng mga sikat na artistang mayayaman na agad kahit hindi pa sila pumapasok sa industriya ng show business



Ang pagiging maunlad sa buhay ay talaga namang pinaghihirapan at pinagsusumikapan ng marami sa atin. Kailangang makapagtapos ng pag-aaral upang ito ang maging susi sa pagkamit ng tagumpay. Matapos nito ay maghahanap ng magandang trabaho na mayroong maayos at malaking sweldo. Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat, dahil upang maging tunay kang matagumpay sa buhay, karamihan ay bumibili at nagpapatayo ng sarili nilang bahay, bumibili ng magandang at maayos na sasakyan, at nagpupundar ng ilang mga negosyo. Ang pagkakaroon ng maayos at sariling pamilya ay isa rin sa mga tagumpay na inaasam-asam ng marami.

Ngunit hindi lahat ng mga tao ay ipinanganak sa ganitong kalagayan, mayroon ding iilan na lubos na pinagpala at ipinanganak nang may kutsarang pilak sa kanilang mga bibig. Ilan sa kanila ay anak ng mga kilalang artista. Kilalanin ang ilan sa kanila:



1. PACQUIAO KIDS


Hindi na nakapagtatakang magkaroon ng umaapaw na biyaya at pagpapala ang pamilya Pacquiao. Kilalang kampeon sa boksing at senador si Manny Pacquiao at minsan din namang sumabak at nagwagi sa pulitika ang kanyang asawang si Jinkee. Mayroon na sila ngayong 15 mga negosyo at 9 na mga mansyon na lubos nilang ipinagpapasalamat sa Diyos. Hindi rin lingid sa kaalaman ng nakararami ang matatag na pananampalataya ng pamilya sa Diyos. Tuwing Linggo ay namamataan din ang pamilya kasama sina Jimuel, Michael, Queen Elizabeth, Mary Divine Grace at Israel Pacquiao.


2. JAWORSKI KIDS


Si Mikee Cojuanco ay sikat na aktres noon, kilala rin siyang mang-aawit. Ang kanyang asawa naman na si Dodot Joworski ay isang kilalang sports icon. Ang mag-asawang ito ay mula sa mayayamang pamilya kung kaya naman tunay na “rich kids” ang kanilang mga anak na sina Robbie, Renzo, at Rafael.


3. LARRAZABAL KIDS


Mula naman sa Cebu ang asawa ni Donna Cruz, kilalang mang-aawit at aktres noon. Napangasawa niya si Yong Larrazabal. Sila ay nagmamay-ari ng isang malaking ospital sa kanilang lugar. Mayroon ding klinika doon si Dr. Yong. Kung kaya naman hindi nakapagtatakang sumunod sa yapak ng kanilang mga magulang ang mga anak nilang sina Belle, Cian, at Gio kahit pa sabihing “rich kids” na sila.



4. LAGDAMEO KIDS


Isang kilalang aktres si Dawn Zulueta na talaga namang hinangaan ng marami kahit hanggang sa ngayon. Asawa niya ang nagmamay-ari ng samu’t-saring mga negosyo sa Davao na si Antonio Floirendo Lagdameo,Jr. Nagkaroon sila ng dalawang anak sina Jacobo at Ayisha.




error: Content is protected !!