Naaalala n’yo pa ba si “Tolits”? Isa na pala siyang Daddy at SK Official!



Marami na tayong nasubaybayang mga artistang sumikat at nagtagumpay sa kanilang mga karera. Ang iba nga ay nagsimula sa murang edad lamang ngunit talaga namang kakikitaan mo pa rin ng nakakabilib na mga talento at dedikasyon sa kanilang trabaho.


Marahil ay hanggang ngayon naalala pa rin ninyo ang cute na cute na batang lalaki na naging bida sa isang sikat na patalastas ng sabong panlaba noong taong 2000! Aakalain mo bang isa na pala siyang Sangguniang Kabataan Chairman at isang proud na ama sa kaniyang anak?



Si Tolits ay nagngangalang Bernard Joecel “BJ” Forbes sa tunay na buhay. Minsan na siyang sumali “That’s My Boy” ng “Eat Bulaga!” noong siya ay limang taong gulang pa lamang. Matapos nito ay nabigyan din siya ng pagkakataong maging host ng naturang programa at naging bahagi rin siya ng ilang mga programa sa telebisyon tulad na lamang ng “Ful Haus”, “Encantadia”, “Etheria”, at “Fantastikids”.



Nakagawa rin siya ng ilang mga proyekto kamakailan lamang tulad na lamang ng “Sahaya” na pinagbidahan ninan Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa GMA network. Taong 2019 ay gumanap din siya bilang si Buboy sa teleserye nina Julia Barretto at Joshua Garcia na “Ngayon at Kailanman”.


Isa rin siyang aktor ngayon sa teatro kung saan gumanap siya bilang si Don Juan sa “Ibong Adarna” ng Gantimpala Theater Foundation. Sa edad na 22 taong gulang ay isa na siyang public servant sa probinsiya ng Rizal.



Siya ay isang SK Official sa Angono, Rizal. Ngunit ang pinakamahalagang bagay na nangyari sa kaniyang buhay ngayon ay ang pagiging isang mabuting ama niya sa kaniyang anak na madalas niyang ibahagi sa kaniyang social media account.


Tunay nga na napakaraming mga bagay ang nangyayari at nagbabago sa paglipas ng panahon. Ngunit marami sa mga ito ang talaga namang napakagandang biyaya mula sa Diyos na talagang araw-araw monh ipagpapasalamat sa Kaniya.






error: Content is protected !!