Isang Lalaki ang nagbigay ng regalo sa kanyang ina sa pamamagitan ng larong ‘Kwarta o Kahon’ bilang pamasko



Marami sa atin ang nagiging masaya tuwing sasapit ang pasko. Hindi lang dahil sa mga regalo at handa pati na rin sa pagkakataon na makasama natin ang mga mahal natin sa buhay. Ang pasko ay nangangahulugan din ng pagbibigayan. Kaya naman pinaghahandaan natin ang mga bagay na maaaring magpasaya sa ating mga minamahal. Ang pasko ay pinagdiriwang dahil ito ang araw na isinilang ang ating tagapag-ligtas na si Hesukristo. Kaya naman sa bawat pagdiriwang ay pagmamahalan ang namamayani.



Isang napaguusapan ngayon sa social media ay ang isang video na kumakalat tungkol sa isang lalaki na nagpalaro sa kanyang ina ng ‘Kwarta o Kahon’. Ang larong ito ay sumikat sa mga palarong pinauso pa dati ng mga programa sa telebisyon. Si Rotski Bautista ang lalaki sa nagva-viral na video. Nais niyang regaluhan ang kanyang ina. Kaso ang sabi niya sa video ay gusto na muna niyang pagtripan. Kahit na naka-saklay siya ay pinaramdam niya na kaya niyang mapasaya ang kanyang ina.


Agad niyang tinawag ang kanyang ina sa pagsabi ng may regalo siya na pinaghirapan pa niyang balutin. Pero sabi niya ay aalukin muna niya ng pera at ipinaliwanag na mamimili siya kung yung pera na inaalok niya o yung kahon na regalo niya.


Ang kanyang ina ay naguguluhan dahil na rin sa ingay ng mga taong nakapaligid. Unang inalok siya ng 5 thousand pesos, pero tinanggihan at pinili ay kahon. Noong umabot na ng 10 thousand biglang napaisip na ang ina ni Rotski. Natatakot siyang walang makuha at baka wala daw laman ang kahon. Kaya naman para mas kabahan ang ina ni Rotski, binuksan niya ang kahon na may laman na kaldero na nakabalot. At muling inalok ang ina sa pamamagitan ng pagdagdag na umabot sa 15 thousand pesos. Gusto na sanang piliin ng ina ang kwarta ngunit naging matigas siya at pinili pa rin ang kaldero.



Nagulat ang ina ni Rotski ng makita niya ang laman ng kaldero. Lubos itong ikinasaya ng kanyang ina. Nagawa ni Rotski ang regalo na ito bilang pabuya sa kanyang ina sa lahat ng sakripisyo na ginawa niya para sa kanila. Umani ng maraming komento ang naturang video. Ikaw anong masasabi mo? Maganda ba ang laro na ito? Maaaring maging palaro mo na rin ito sa susunod na christmas party.




error: Content is protected !!