Sila ang 9 na sikat na mga Celebrities na mahirap dati at mayaman na ngayon



Marami sa atin ay pinangarap na maging maginhawa ang buhay. Ang iba pa nga sa atin ay doble sipag ang ginagawa upang makamit ang pinapangarap na buhay. Ang ibang mga tao rin ay nangangarap maging artista. Sa paraan kasi na ito, lalo na kapag sumikat, talaga namang higit na biyaya ang matatamasa. Pero hindi biro ang pangarap na maging sikat na personalidad. Matinding pagsubok ang pagdadaanan para makamit ang tagumpay.

Kaya naman ito ang 9 na personalidad na dating hindi naman mayaman, pero sobrang matagumpay na ngayon:



1. Manny Pacquiao


Sino pa ba ang hindi nakaka-kilala sa Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao? Siya ay may pangalan na rin sa larangan ng boxing sa buong mundo. Ngayon ay may net worth siya na $190 million o higit pa sa Php 10 billion. Pero hindi naging madali ang buhay niya dati. Hindi naging mapili sa trabaho si Manny Pacquiao. Naging isang konstruksyon worker siya dati at naging panadero din.


2. Willie Revillame


Si Kuya Wil ay nakilala pa sa mga katagang “Bigyan ng Jacket yan!”. Ang pagiging matulungin niya sa taong bayan ang mas lalong nagpasikat sa kanya. Kilala si Willie Revillame sa pagiging host ng mga gameshows sa telebisyon. Pero alam niyo bang isang barker lang dati si Kuya Wil. Bukod pa dito ay naging isang drummer din siya na naging dahilan ng pagdiskubre sa kanya.


3. Gretchen Barretto


Tunay na mala-diosa ang kagandahan ni Gretchen Barreto. Nakilala natin ang ilan pang mga artista na Barreto rin ang mga apilido at si Gretchen ang pinaka-una sa kanila. Imbis ba mag-aral ay sumabak kagad siya sa industriya ng showbiz upang makatulong sa pamilya.



4. Regine Velasquez-Alcasid


Ang kilala natin na Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay dumaan din sa maraming pagsubok bago maging isang tunay na matagumpay. Nagumpisa lang siya dati sa pagsali sa mga singing contest at dahil sa kanyang di matatawarang galing ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang pagsikat at pagasenso.

5. Jake Zyrus


Si Jake Zyrus na mas kilala natin sa pangalan dati na Charice Pempengco, ay sumasali lang din dati sa mga singing contest hanggang nadiskubre siya ag naging international artist. Ilan sa mga sumikat niyang kanta ay ang kantang pyramid.



6. Sarah Geronimo


Nadiskubre si Sarah Geronimo sa pagsali sa isang Singing Competition. Ito ang naging daan ng kanyang pagiging matagumpay. Ibinahagi niya sa isang interview na dati ay kapos na kapos sila at minsan pa nga ay wala silang makain.

7. Jericho Rosales


Ang kilalang si Papa Echo ay may mahirap na buhay din dati. Noong hindi pa siya artista, hindi siya naging mapili sa trabaho. Nagtitinda pa nga siya dati ng isda para lang magkapera.

8. Vice Ganda


Ang kilalang komedian at host ng Showtime na si Vice Ganda ay mayroong hindi magandang nakaraan. Isang traumatic na pangyayari ang naganap noong siya ay bata pa lamang ng nasaksihan niya ang pagkamatay ng kanyang ama.

9. Marvin Agustin


Ang kilalang si Marvin Agustin ay nagsikap din noong kanyang kabataan. Noong 16 anyos pa lamang siya, nagtatrabaho siya bilang isang waiter. Ngayon ay kilala na siya bilang isa sa may maraming restaurant sa bansa.




error: Content is protected !!