Hinangaan ng publiko ang barangay na ito dahil sa pagpapanukala ng pagreresiklo ng mga plastik, isang kilong plastik kapalit ay isang kilong bigas!

Ang paggamit ng mga “single-used plastic” o yung mga plastik na isang beses lamang ginagamit, maaaring mga straw ito o yung mga pinaglalagyan ng pagkain sa mga kilalang fast food chain, maaari din namang mga plastik na pinaglalagyan ng isda, o karne na ating pinamimili sa palengke na pagkatapos paglagyan ng mga sariwang isda at karne ay itatapon na din agad-agad. Ito ang mga plastik o basurang nagiging sanhi ng polusyon sa buong mundo, maaari din itong bumara sa mga daluyan at daanan ng tubig o ang pinakamasamang dulot nito ay ang pagkamatay ng mga hayop sa karagatan dahil sa pagkain ng mga plastik na ito.


Isang barangay sa Cavite ang nakapukaw sa atensyon ng publiko dahil sa kakaiba nitong paraan upang maingganya ang mga taong magsinop ng kani-kanilang kalat lalo na ang mga plastik at kahit papano ay makabawas sa mga basurang nakakalap araw-araw. Isang kilong bigas ang kapalit ng isang kilong plastik sa barangay Tartaria sa Silang, Cavite. Ang mga nasabing plastik ay maayos at malinis na isisilid sa malaking bote ng plastik.

Matapos nito ay dadalhin ito sa kanilang barangay hall kung saan tatanggapin at idodokumento ng mga opisyal ang nasabing mga plastik bago pa man bigyan ng kapalit na bigas ang mga plastik na ito.


Upang masiguro na eco-friendly nga ang proyekto ito ay hinihikayat din na magdala ng sariling mga lalagyan ng bigas o mga eco-bag ang lalahok sa programang ito. Si Kapitan Wilfredo “Willie” Maala ang nag-anunsiyo ng proyekto ito ng barangay sa kaniyang “State of the Barangay Address” noong nakaraang taon.


Ibinahagi din ng barangar secretary na si Karlo Manalo Alvarez na ang proyekto ay inilunsad noong Oktubre 2018 ngunit naipatupad lamang ng ika-4 ng Pebrero 2019. Sa kasalukuyan ay nakakalap na sila ng 60 kilo ng plastik. Hindi pa sila nag-aanunsiyo patungkol sa kung ano ang kanilang gagawin sa mga nakalap na plastik. Ngunit marami na ang nagnanais na bilin ang mga ito upang maging mga eco-bricks.



Reply