Pangulong Duterte inanunsyo ang pagbibigay ng halagang Php 30,000 para sa mga kwalipikadong college student na anak ng OFW!



Napakahirap ng sitwasyon ng maraming pamilyang Pilipino sa ngayon. Hindi madali ang pagkakaroon ng pandemya kasabay pa ng ilang mga sakuna at ng kahirapan sa bansa. Ngunit sa kabila nga nito ay mas pinipili pa rin nating maging matatag at lumaban sa buhay.


Kapos man sa pinansiyal at materyal na bagay ay hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asang balang araw ay mayroon ding darating na tulong. Kung kaya naman napakalaking bagay talaga ang ibinalitang ito ni Pangulong Duterte na magbibigay sila ng “one-time cash assistance” para sa mga anak ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa kolehiyo at apektado ng COVID-19.

Ayon sa naging pahayag ng ating pangulo, naglaan ng isang bilyong piso ang pamahalaan upang matulungan ang mga kwalipikadong anak ng mga OFW na nawalan ng trabaho, nasawi o di kaya naman ay naapektuhan ng pandemya. Dagdag pa ng pangulo ay ibibigay ang “Tertiary Education Subsidy” para sa isang “college-level beneficiary” ng isang kwalipikadong OFW.


“Ngayon, dito sa effect ng COVID sa pag-aaral ng ating mga anak, kailangan natin na tulungan lalo na, a Tertiary Education Subsidy for dependents of displaced non-returning repatriated or deceased OFWs due to COVID-19,” Pahayag ng Pangulong Duterte.



“Ang tulong po sa edukasyon sa mga anak niyo nito is a one-time grant of P30,000. The project will be allotted with the amount of P1 billion which will benefit about 33,000 students from OFW families,” Dagdag pa niya.


Upang mapabilang sa mga maaaring matulungan ng cash aid na ito ay dapat enrolled o may planong mag-enroll sa isang state o local university, college o CHED-recognized private institution sa school year na 2020 hanggang 2021. Pinahayag din ng pangulo na kung interesado ang isang OFW rito ay maaari silang mangalap ng impormasyon sa CHED, DOLE at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nito lamang Agosto ay mayroon nang higit sa 124,000 na mga OFWs ang pinauwi at nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.




error: Content is protected !!