Ikinagulat ng isang guro ang pangyayari kung saan Isa lang ang pumasok niyang magaaral pagkatapos ng mahabang bakasyon



Marami sa atin ang naging masaya ngayong Pasko. Lalong-lalo na ang mga estudyante. Dahil mahabang araw ang pinahinga nila dahil sa Christmas Break. Kaya naman ito ang madalas ding inaabangan ng mga estudyante dahil ito ang mga panahon na maliligayahan sila sa pagpapahinga at pamamasyal.



Sa iba ay sulit at sapat na ang mga araw ng bakasyon. Kaya naman handa na sila sa panibagong hamon ng bagong taon. Ngunit sa iba ay hindi. Kumbaga, ninanais pa nilang humaba pa sana ang araw ng bakasyon. Bitin ang pakiramdam ng ibang nakukulangan pa sa araw ng bakasyon. Isang pangyayari ang naganap kung saan ay tanging isang estudyante lamang ang pumasok ng araw ng pasukan. Ito ang ibinahagi ng isang guro sa Binalonan, Pangasinan na si Chito Grullo.

Si Chito Grullo ay isang teacher na graduate sa Urdaneta City University. Mula sa mahabang bakasyon, eksayted siyang magturo muli sa 32 niyang estudyante. Ngunit, sobrang ikinagulat ng guro ang pangyayari na kung saan isang magaaral lamang niya ang pumasok. January 3, 2019 ang pasukan sa kanilang paaralan. Pero isang estudyante lamang ang pumasok.



Ang sabi niya sa kanyang post:
“January 3… may long quiz pa sana ngayon…tsk…” At ito naman ang kanyang hashtag: #MayFirstHonorNaAko

Lubos na nakakataka ang pangyayaring ito. Maraming netizens ang sumaludo at nabilib sa tanging estudyante na pumasok. Ayon kay Chito Grullo, bibigyan niya ng ekstra points ang estudyanteng pumasok.


Ayon sa sinabi niya sa GMA News na mensahe niya sa mga magaaral niya:
“i-enjoy na nila ang bakasyon dahil “back to reality” na sa susunod na linggo.”

Maging aral sana ito hindi lamang sa mga estudyante pati na rin sa mga nagtatrabaho na maging maalam sa mga araw ng ating pagpasok. Maging responsable tayo lalong lalo na at nagumpisa na ulit ang bagong taon. Tularan natin ang kasipagan ng estudyanteng handang pumasok at gustong matuto sa paaralan.






error: Content is protected !!