Aeta usap-usapan sa social media ngayon dahil sa asul niyang mga mata!



Kilala ang mga Aeta bilang mga katutubong naninirahan sa ilang bahagi ng Luzon. Sila ay itinuturing din na mga Negrito na mayroong itim hanggang sa kayumangging mga balat, kulot na mga buhok, maliit na mga ilong, at matingkad na kulay kayumangging mga mata. Ipinanganak din silang mga pandak kung kaya naman laking pagtataka ng mga netizen nang makita ang larawan ng isang Aeta na nagtataglay ng asul na mga mata!




Isang netizen na nagngangalang Michael Angelo Galindez ang nagbahagi ng larawan ng isang Aaeta sa Sangandaan, Quezon, City na talaga namang mamamangha ka sa taglay niyang asul na mga mata. Kakaiba at hindi madalas makita ang mga Aeta na mayroong ganitong kulay ng mga mata kung kaya naman marami ang humanga sa mata ng bata na ito. Bagamat kapansin-pansin ang marungis nitong anyo at maduming kasuotan, talaga namang nangingibabaw ang ganda ng mga mata nito. Pagbabahagi pa ni Michael, madalas na nasa kalye, tindahan, o malapit sa restawran ang mga Aeta na ito.


Maraming netizen rin ang nagsabing labis na pinagpala ang batang ito dahil sa kanyang mala-manika na mata. Marami rin namang nagnanais na makita at mabisita ang batang Aeta na ito kung kaya naman tinatanong nila ang saktong lokasyon ng bata.



Tunay ngang nakakamangha ang mga bagay na hindi natin inaasahan. Marahil ay sanay tayong makita ang mga bagay na nakasanayan na natin. Hindi natin inaasahan na marami pang mga bagay ang naghihintay lamang na madiskubre at mabigyang pansin. Talaga namang nakakamangha na mayroong isang katutubong Aeta dito sa ating bansa na nagtataglay ng kakaiba ngunit kamangha-manghang biyaya mula sa Maykapal. Ang kaniyang pagiging iba ay talaga namang hinahangaan at ninanais rin ng iba na sana ay mapasakanila o maranasan man lamang nila kahit sa sandaling panahon man lamang.