Marami ang namangha sa ganda ng guro na ito matapos nitong magpost ng kanyang larawan sa social media



Dahil sa tapos na ang marami at suno-sunod nating mga pagdiriwang, marami sa mga mag-aaral ang nasasabik nang pumasok muli sa paaralan habang ang iba naman ay medyo tinatamad pa at tila nais pang dugtungan ang mahabang panahon ng pamamahinga.



Kahit ang mga guro ay nasorpresa din sa tila napakaagang pagsisimula ng klase sa taon na ito. Dahil sa masarap pa ring mamaluktot sa ating mga kumot at matulog ng matulog nang halos buong araw na.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang guro sa highschool na nagngangalang Nikki San Diego Lejano, guro mula sa San Jose del Monte National Highschool. Laking gulat na lamang niya ng siya ay pumasok sa isang tahimik na silid-aralan. Ikatlong araw ng Enero pumatak ang pagbabalik klase ng mga mag-aaral kung kaya naman nasorpresa siya ng kahit isa sa kanyang estudyante ay wala para sana ituloy ang mga naudlot nilang aralin.



Kung ang karamihan sa mga guro ay magagalit sa nangyaring ito, idinaan na lamang ng batang guro na ito sa biro ang lahat. Dahil ayon sa kanya ay nagkakaisa ang kanyang mga estudyante pagdating sa ganitong mga bahay. Biro pa ng guro, sabay sabay daw nag-evolve ang kanyang Mga estudyante at lahat sila ay naging bula.


Nang sumunod na araw naman ay tila hindi pa rin ramdam ng kanyang mga mag-aaral na simula na ang pagbabalik eskwela nila. Dalawang estudyante lamang ang pumasok sa kanyang klase. Tila ba nais na ng mga netizen na sila na lamang ang maging estudyante ng magandang guro na ito.



Bukod pala sa pagiging isang guro ay talaga namang suki ng mga beauty pageant si Ma’am Nikki! Katunayan ay hawak niya ang ilang titulo sa kanilang lugar gaya ng Miss Tanglawan 2018, Miss BulSU-SC 2018, Miss Education 2018, Bb. Gasan-Turismo 2017, at Bb. Libtangin 2016.




error: Content is protected !!