Silipin ang “kubo home” nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa Siargao!



Matapos manirahan ng aktres na si Andi Eigenmann sa Baler ay ibinahagi niya na siya ay nagdadalang-tao na sa unang anak nila ng nobyong si Philmar Alipayo. Ang 28-taong gulang na aktres ay mayroon nang pitong taong gulang na anak na pinangalanan niyang Ellie sa aktor din na si Jake Ejercito.


Kahit pa Hulyo na ang kaniyang kapanganakan ay labis pa ring hinahangaan ng marami ang kaniyang magandang pangangatawan sa social media lalo na ang kaniyang “baby bump” na talaga namang mapapansin sa kaniyang mga “sexy bikini” at “beach dress” na sinusuot lalo na ang kaniyang mga larawan ng magbakasyon sila sa Bali, Indonesia kasama ang ilan sa kaniyang mga kaibigan. Ipinagdiwang nila ang nalalapit na kasal ng kanilang kaibigan.





Ibinahagi din naman ng aktres sa isang eksklusibong panayam sa kaniya na nakabili na siya ng sarili niyang lupa sa Siargao dahil nais na niya talagang tumira sa pinakapaborito niyang isla.  Abalang-abala na nga si Andie at ang kaniyang nobyo sa nalalapit na pagdating ng kanilang sanggol. Nagbahagi na din sila ng unang silip ng kanilang magiging tahanan sa Siargao kung saan nakabase ang kaniyang kasintahan na si Philmar.



Labis na galak ang kanilang nadarama na nagiging mabilis ang progreso ng pinapatayo nilang tahanan. Naka-tag pa nga sa kanilang post ang mga designer at arkitekto na si Vanessa Gaston at Rand Regis ang mga tao sa likod ng kanilang dream house. Ito ang kauna-unahang proyekto ng kanilang pangkat sa Siargao. Tunay ngang nananabik na rin ang kanilang mga taga-hanga at taga-suporta sa pagdating ng kanilang munting anghel at sa pagtupad na rin nila ng kanilang mga pangarap ng magkasama.






error: Content is protected !!