Nadismaya ang bagong kasal na ito dahil sa styrofoam pala ang wedding cake na ginawa ng kanilang wedding coordinator!



Ang kasal marahil ay ang pinaka-perpektong selebrasyon sa buhay ng isang babae. Ang ilan ngang magpapakasal ay kumukuha pa ng “wedding coordinator” ilang buwan bago ang kanilang pinaka-aasam-asam na kasal.



Ngunit isang magkasintahan ang labis na nadismaya at nanlumo nang ang kanila dapat perpektong araw ay tila naging isang bangungot. Nang dahil lamang sa ginawang ito ng kanilang wedding coordinator. Imbes na dumiretso sa kanilang “honeymoon” ay dumiretso sila sa istasyon ng pulis.

Ibinahagi ng “wedding host” nilang si Yhang Yhang ang insidenteng ito kung saan ang kasalan ay nauwi sa istasyon ng pulisya. Ang bride ay mula sa Antique, Palawan samantalang mula naman sa Taiwan ang kaniyang mapapangasawa. Inimbita nila ang kanilang buong pamilya at malalapit na kaibigan upang masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib. Kung kaya naman labis labis ang kanilang panlulumo ng ang Php140,000 na kanilang ibinayad ay tila hindi nagawa at napagtrabahuhan ng maayos ng wedding coordinator.






At ang mas malala pa ay hindi pa pala nababayarang ang wedding venue, at wala ring sapat na pagkain para sa 200 bisita na kanilang inimbita. Wala na ring mas sasakit pa at mas nakakagalit ng malaman nila na ang wedding cake nila ay hindi pala maaaring kainin dahil sa ito ay gawa sa styrofoam!




Bagamat kakagaling pa lamang sa kasal ang bagong mag-asawa ay dumiretso na sila sa mga pulis upang magsampa ng kaukulang kaso para sa masaklap na nangyaring ito sa kanilang kasal. Ngunit dinipensahan naman ng wedding coordinator ang kaniyang sarili sa mga paratang na ito. Ayon sa kaniya, niloko raw siya ng kaniyang kasama at tinangay ang pera at habang idinaraos ang kanilang kasal ay nasa airport na diumano ito. Ang dahilan niyang ito ay hindi pinaniwalaan ng bagong kasal at tinuluyan pa rin nila ang demanda sa taong sumira ng dapat sana ay masaya at hindi malilimutan nilang kasal.



 




error: Content is protected !!