Mga bumili ng airPods case tila hindi nagbabasa dahil sa umasa pa rin silan may kasamang earphones ang kanilang biniling airPods case!



Talaga namang marami na sa atin ang tumatangkilik sa mga kilalang online shopping sites dahil sa pagiging komportable nito at kombinyente sa maraming mga Pilipino na abala sa trabaho at maging sa mga nasa tahanan lamang. Katulad na lamang ng lumipas na sale sa ilang mga kilalang online shopping stores na talaga namang pinakaabangan ng maraming mga mamimili.



Sa murang halaga at malaking diskwento ay talaga namang mapapa-Add to cart ka talaga! Lalo na ngayon na papalapit na ang Kapaskuhan at maraming mga pamilyang Pilipino ang talagang pinaghahandaan ang pagdiriwang na ito.


Marahil ay naranasan na natin ang bumili sa mga ganitong uri ng tindahan ngunit ang resulta ay maling size o ibang-iba ang nasa larawan ng mga sellers sa aktwal na produktong dadating sa iyo. Maaaring sa ilang mga pagkakataon ay kasalanan ito ng seller o di kaya naman ay kanilang pagkukulang. Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang napakaraming negatibong komento ng mga buyer na ito sa isang online store na nagtitinda ng mga AirPods case o mga lalagyan ng wireless headset para sa iPhone.


Maraming mga buyers ang umasa na mayroon talagang kasamang earphones ang kanilang binili kahit pa nakasaad naman sa detalye ng produkto na “case” lamang ito. Marahil ay nalito ang maraming mamimili dahil sa mga larawan ng produktong ito ngunit mas mabuti pa rin na inintindi nilang mabuti ang mga impormasyon tungkol sa nasabing produkto bago pa man sila bumili nito.


Ang nasabing viral post ay mula sa Facebook account ng netizen na nagngangalang Kate Nicole Escobido. Sa halagang P33 ay talaga namang pagtatakhan mo kung bakit ganoon kababa ang presyo nito kumpara sa mga Airpods sa merkado na nasa ilang libo ang halaga. Talaga namang maraming nga buyer na nagreklamo at nagkomento sa online store at nagbigay dito ng hindi magagandang feedback kahit pa nga nakalagay naman talaga sa produkto nito na “case” lamang ang binebenta at wala talaga kasamang earphones.






error: Content is protected !!