Nakakamangha na mayroong foreigner na nagmamalasakit sa ating kapaligiran na tila napapabayaan na natin dahil sa dami ng basura at kalat!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang post ni John Mendel Espina sa kaniyang social media account. Ito ay tungkol sa isang dayuhan na nakita niyanng namumulot ng mga basurang kalat sa BGC Forum habang siya ay papuntang SM Aura. Ayon sa netizen na ito, hindi niya inaasahan at nagulat talaga siyang malaman na isang dayuhan pa ang namumulot ng mga basurang iyon sa damuhan at masinop niyang inilalagay sa kaniyang maliit na supot.


Bagamat siya ay nagdadalwang-isip at natatakot na magbigay ng atensyon sa napansing pangyayari, hindi niya matiis at maawat ang sarili niya na tanungin ang nasabing banyaga kung bakit niya ginagawa ito. Tunay ngang talamak na at hindi na maawat ang pagiging walang disiplina at tila pagiging iresponsable ng maraming Pilipino lalo na sa pagsisinop ng sarili nilang mga kalat, basura, at pinagkainan. Nakakalungkot man isipin ngunit pati na rin ang mga musmos na bata ay tila naging normal na lamang sa kanilang pang-araw-araw na gawi ang pagtatapong ng mga kalat o basura kung saan-saan.




Ang pangalan ng kahanga-hangang dayuhan na ito ay Emily. Humingi agad ng tawad ang netizen na nakapansin sa kaniya dahil marahil sa guilt o sa pagkakasalang alam niyang responsible rin naman siya. Ayon pa sa kaniya ang pinaka-magagawa na lamang niya ay kuhanin ang kaniyang pangalan, kuhanan siya ng larawan at ibahagi ito sa social media upang tulad niya ay marami din sanang mamulat at makaramdam ng hiya sa bagay na naging isang simpleng gawi na lamang ng karamihan sa atin sa araw-araw.


Bagamat hindi niya natulungang maglinis si Emily noon, nagkaroon naman siya ng pangako sa kaniyang sarili na gagawin niya ang parte niya bilang isang mamamayang Pilipino na maitapon ang sarili niyang mga kalat at basura sa dapat nitong kalagyan.



Saludo kami sayo, Emily! At nawa ito ay maging susi upang maging inspirasyon sa maraming Pilipino na mas maging responsible sa pagsisinop at pagtatapon ng ating mga kalat at basura sa kabilang banda, bansa natin ito, sino pa ba ang magmamalasakit sa sarili nating bayan?




error: Content is protected !!