Feel at home ang babae na ito nang siya ay nasuot ng tapis na twalya at panjama sa Mcdonalds!

Tila iba na nga ang kahulugan ng “feel at home” para sa babaeng ito na bumili ng take out na pagkain sa McDonald’s dahil sa kaniyang suot. Literal na parang nasa bahay lang siya talaga! Ang larawang ibinagi ni Vel Bernal ay talaga namang pinag-usapan at pinagpyestahan sa social media. Sino nga namang babae sa ating bansa na kilala sa pagiging konserbatibo nito ang mangangahas na lumabas at bumili sa isang fast-food chain ng naka-tapis lamang na twalya at panjama.


Ayon pa sa ilang netizen, tila raw kakagising lamang o di kaya naman ay nagbabalak pa lamang maligo ang nasabing customer. Ngunit anuman ang suot ng babaeng ito, maaari mo pa ring isuot ang nais mong damit sa fast-food restaurant na ito, ayon nga sa matandang sabi “Customers are always right!”.


Bagamat sa karamihan ay tila nasisiraan ng bait ang taong ito, marami naman ang nagsasabing marahil ay gutom na gutom lang talaga siya kung kaya naman hindi na niya nagawang magbihis pa ng pang-itaas. Ang ilan din naman sa mga netizen ay nagpahayag ng kanilang saloobin patungkol sa nasabing larawan. Wala raw basagin ng trip sabi ng ilan. Hindi raw nila dapat husgahan ang babaeng ito na malay mo namang “feel at home” lang talaga sa McDonald’s outlet na ito o di kaya naman maaari din na kalapit lamang ng tindahang ito ang kaniyang tirahan.


Anuman ang maging komento ng bawat isa, marahil ay isa lamang itong kakaibang pangyayari na ang lahat sa atin ay hindi ganoon kasanay na hindi natin namamalas araw-araw. Ito ay ilan lamang sa mga kakaibang pangyayari na talaga namang nakapagpasaya at nakapagbigay ngiti sa marami sa atin.



error: Content is protected !!