Kahit na nanakawan ng maraming beses ang taong may kapansanan na ito, patuloy pa rin siyang nagsusumikap para sa pamilya!



Nakakalungkot lang isipin na marami pa rin sa mundong ito ang mapanlamang sa kapwa. Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang ilan sa mga tao sa mundo ay kinakaya ang mga walang laban. Karaniwan pa nga ay kung sino pa ang malalakas, sila pa ang mga mapanlamang sa kapwa. Kahit sa hindi magandang paraan, kaya nilang magawa ito para sila ay makinabang. Isa pang nakakalungkot isipin ay kung sino pa ang kumpleto at walang kapansanan, sila pa itong mga ganid at mapanlamang sa kapwa. Nakaka-lungkot isipin pero ito ang realidad ng buhay.


Pero kahit na ganito ang nangyayari sa mundo hindi dapat ito maging rason upang tumigil mabuhay ang mga naaapi. Isang magandang halimbawa dito ay ang nangyari kay Kuya George. Si George Bilarmino ay isang tindero ng gulay at may kapansanan. Gamit ang tricycle niyang naka-disenyo para sa kanyang kalagayan. Matiwasay niyang nagagampanan ang kanyang layunin bilang ama.




Kaso, isang nakaka-lungkot na pangyayari ang sumukat ng kanyang kakayahan. Hinoldap siya noong taong 2014. Isang pangyayari na kinaawaan ng maraming netizens. Nakabangon naman si Kuya George sa pangyayari dahil narin sa tulong ng mga netizens na nagbigay ng tulong sa kanya. Sa muling pagkakataon ay ninakawan nanaman siya sa kanilang bahay noong taong 2015. Hindi na siya naglaban at ibinigay na lang ang hawak na karampot na perang kinita sa pagtinda ng gulay.


Tumagal din ng isang linggo ang hindi niya pagtinda ng gulay, nakakatuwang isipin lang at mayroon paring mga netizens na tumulong sa kanya. Muli ay nakapag-tinda ulit siya ng gulay. Sa kasalukuyan ay patuloy na nagtitinda si Kuya George ng gulay. Sa kabila ng mga trahedya na nangyari sa kanya, ipinapakita niyang kaya niyang malampasan ito para sa kanyang mga mahal sa buhay.


Ang kwento ni Kuya George ay kinapulutan ng aral. Naging inspirasyon ito sa maraming netizens. Nawa’y pagpalain ka pa Kuya George at sana ay hindi na maulit ang mga hindi magandang nangyari sa iyong buhay.






error: Content is protected !!