Nagtitinda ng Isda ang kabuhayan, naka-graduate ng Magna Cum Laude! Isang karangalan maituturing para sa sarili at sa magulang



Ang kahirapan ay hindi dahilan upang hindi natin makamit ang ating mga pangarap. Marami sa atin ay kapos at salat sa pamumuhay. Pero mayroong ilang mga tao na sa kabila ng kahirapan ay pinipilit na iahon ang pamilya sa kahirapan. May mga magulang na sa kabila ng pagsubok sa buhay ay hindi tumitigil maibigay lamang ang magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak. Kinakaya nila lahat ng mga dagok sa buhay dahil pinahahalagahan nila ang magiging buhay ng kanilang mga anak.




Marami na tayong mga narinig at nabasa na mga kwento ng mula sa kahirapan ay naging maayos ang buhay. Tunay na hinangaan natin ito at naging inspirasyon sa karamihan. Isang halimbawa nito ay isang babae na nakapag-tapos ng pagaaral ng may mataas na karangalan. Siya si Regine Villamejor na nakapag-tapos na may parangal bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Arts in Liberal Arts and Commerce major in Commication and Marketing sa University of San Jose – Recoletos sa Cebu City.


Kahit na ang trabaho ng mga magulang ay pangingisda, hindi naging hadlang ito upang hindi mangarap, bagkus ay nagpursigi at nagsumikap si Regine upang masuklian ng karangalan ang mga magulang na sina Raul at Mary Jane Villa Mejor na taga Argao, Southern Cebu. Noong bata pa lamang si Regine ay tumutulong na siya sa pagbebenta ng mga isda kapag wala siyang pasok. Inaalok niya ang mga nahuling isda sa mga bahay-bahay na malapit sa kanilang lugar.


Pero ngayon, dahil na rin sa natapos niyang pag-aaral at karangalan, nagkaroon na siya ng maayos na trabaho sa Virginia Food Incorporated/ Godspeed Megamerchants Co., Inc.. Nitong nakaraang July 18, 2018 ay ibinahagi niya ang pagdiriwang ng kanyang anibersaryo sa trabaho. Tunay na isang halimbawa ng pagiging mabuting anak si Regine. Sa kagustuhang masuklian ang kabutihan ng magulang at sa layunin na makatulong, pinagsumikapan niya itong lahat.




Ito ang ilan sa mga sinabi ni Regine Villamejor:


“My father told me one time that he wanted to sleep more but he said (that) he had to work hard (to do) in order for me to continue my studies,” she revealed.

“Looking back, my father would shed tears while looking at us when we were sleeping. We couldn’t even move because our house was so tiny.”

“I’m not ashamed to sell the fish. My friends know about it but still they accept me for who I am! If I did not go through those challenges, wearing the toga (graduation robes) will not be worth it. We should not give up. P0verty is not a hindrance in achieving our dreams.”

“I should never forget where I came from. No matter how many achievements you have, humble yourselves and keep your feet grounded. I will always be a proud daughter of a fisherman and a fish vendor,” Villamejor said with much pride.




error: Content is protected !!