Maliit man ang sahod, nakaipon ang lalaking ito ng halos 55 libong piso!



Maraming mga tao ang nag-aakalang ang makapag-ipon lamang ng maayos ay ang mga taong may mga malalaking kinikita o malaking sahod. Kahit pa sabihing mas may pagkakataong mag-ipon ang mayroong malalaking sahod at kita, kadalasan din namang hindi din ito nabibigyang-pansin dahil kung malaki man ang kanilang mga kinikita at malalaki din naman ang kanilang gastos at mga pangangailangan.


Ngunit kahit gaano man kalaki o kaliit ang sweldo ng isang tao nasa pagtitiyaga at pagsusumikap pa rin niyang makaipon ang magiging tagumpay nito. Isang netizen ang nagpatunay na hindi hadlang ang maliit na sahod upang makapag-ipon siya. Siya ay nakilala bilang si Miguel Aquino. Hindi man niya binanggit ang kabuuan ng kaniyang sweldo ay tulad rin daw siya ng karamihan sa atin na mahilig kumain sa mga restawran sa labas at bumili ng mga mamahaling kape o pagkain.




Ayon pa sa kaniya, nagbago ang lahat ng isang araw ay inilagay niya ang mga barya sa kaniyang bulsa sa isang plastik na bote. At simula nga noon ay naging kaugalian na niyang ipunin ang lahat ng kaniyang barya sa buong araw sa plastik na botelya. Dahil sa parami na ng marami ang kaniyang mga napupunong bote ay lalo pa siyang na-engganya at ginanahang mag-ipon. Minsan ay nakapaglalagay na rin siya ng mga papel na pera bukod sa mga baryang sukli niya.


Dahil sa kasiyahang nararamdaman sa kaniyang nagawa. Mas lalo pa siyang nagsumikap na makatipid dahil sa imbes na bumili ng mamahaling kape ay bibili na lamang siya ng instant coffee na nagkakahalaga lamang ng sampung piso at ang natira niyang pera ay itinatabi na lamang niya ulit sa kaniyang mga plastik na bote. Nang kaniyang bilangan ang lahat ng kaniyang naipon na mga barya at papel ito ay may kabuuang P54,653! Talaga namang kahanga-hanga ang ginawa niyang ito.


Isang napakagandang inspirasyon sa ating lahat lalo na sa mga kumikita ng hindi naman kalakihan sa kanilang mga trabaho.





error: Content is protected !!