Naibenta ang tuna na ito sa isang auction sa Tokyo sa halagang 3 milyong dolyar!



Kilala bilang “Tuna King” at isang Japanese sushi chain owner si Kiyoshi Kimura na gumastos ng tumataginting na 333.6 milyong yen o $3 milyong dolyar para lamang sa 612 libra o 278 kilo ng blue fin tuna fish sa kauna-unahang New Year’s auction sa Tokyo fish market.


Ang halagang ito ay mas malaki kumpara sa nakaraang auction na kaniyang dinaluhan noong 2013 na nagkakahalaga ng $1.76 milyon para sa medyo mas maliit na isda kumpara sa blue fin tuna na ito. Ang kaniyang kompanya ay kilala sa pangalan na Kiyomura Corp. na kaniyang pinapatakbo. Ang nasabing tuna ay magagamit para sa 12,000 piraso ng sushi para sa Sushi Zanmai chain ng kompanya.




Ayon pa kay Kimura, mukha ngang masarap at sariwang-sariwa ang nasabing tuna ngunit tila siya ay nagbayad ng medyo may kamahalan. Siya ay nakilala sa merkado sa pagbabayad ng mas malaki kumpara sa presyo sa merkado.

“The tuna looks so tasty and very fresh, but I think I did too much,” Ito ang sabi nya


“I expected it would be between 30 million and 50 million yen, or 60 million yen at the highest, but it ended up 5 times more.”


Subalit, ayon din naman sa ilang grupo, mababa ang turing sa uring ito ng tuna na malapit nang maubos ang lahi. Ayon din sa mga eksperto, ang Pacific blue fin ay nagkandaubos na dahil sa overfishing. Nasa 2.6 porsiyento na lamang ngayon ang laki ng mga ito.



Kung kadalasang nasa halagang $40 dolyar lamang ang Bluefin tuna na ito, mas tumaas siya ngayong matatapos na ang taon dahil sa kadalasang malakas ang demand nito sa hilagang Japan. Japan ang isa sa pinakamalaking bansa na kumukonsumo ng bluefin tuna na kalaunan ay naging dahilan na rin ng overfishing na naging sanhi ng pagkaubos nito o ang pagiging extinct nito.

Source: abs-cbn






error: Content is protected !!