Isang Promodizer ng OPPO ang nagva-viral ngayon sa Social media dahil sa kanyang kagwapuhan



Marami na ring naitutulong ang social media sa ating buhay dahil na rin sa lawak ng mga pwedeng magawa dito. Karaniwan ay ginagamit ito ng nga naghahanap ng magiging kapareha. May mga ilang tao na nakakahanap ng mga nagiging kasintahan nila sa pamamagitan ng social media. Di katulad ng dati, mas mabilis at mas madali ng makausap ang taong gusto mong maging kasintahan.


Kadalasan ay hinahangaan natin ang mga nakikitang mga litrato sa social media. Lalong-lalo na ang mga crush o kaya naman sadyang maganda o gwapo ang mga itsura nila. Katulad na lang itong isang lalaki na lumilikha ng ingay ngayon sa social media. Ang facebook page na Pinoy Bae ay nagbahagi ng mga litrato ng isang gwapong lalaki na isang sales promodizer ng OPPO Electronics. Ang poging promodizer na ito ay si Vienn Michael Manalang na nagtatrabaho sa isang OPPO Outlet sa may SM Center Valenzuela. Maraming mga kababaihan ang nagsasabi na kung ganito ba naman kagwapo ang magbebenta sa kanila ng cellphone malamang ay magpalit na sila ng brand at lumipat na sa OPPO.




Marami ring kababaihan ang nagsasabi na gusto nilang makita sa personal ang lalaking ito. May ilan din na nagsabi ng kanilang paghanga sa taglay na kagwapuhan ni Vienn Michael. Ang sabi pa nga ng iba ay kung sakaling tanungin sila kung aalukin sila ng lalaking ito, ang magiging sagot nila ay “OPPO”. Malaking bagay ang pagkakaroon ng kaaya-ayang itsura sa pagiging isang promodizer o kahit anong trabaho na patungkol sa sales. Dahil kapag nakita ng mga prospek na mamimili na maayos o may itsura ang nagbebenta, malaking tyansa ang makabenta. Samahan pa ng magaling na pagsasalita siguradong makukumbinsi ang mamimili.


Hindi sinasabing kinakailangan ang pagkakaroon ng magandang itsura sa ganitong trabaho. Kumbaga may karagdagan ito para sa panghihikayat. Katulad ni Vienne na may gwapong itsura, malamang ay marami na ang nabenta niya na produkto sa pagiging isang sales promodizer.





error: Content is protected !!