Siya pala ang mini-me version ni Liza Soberano, kilalanin natin kung sino siya!



Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Liza Soberano? Isa sa mga sikat na artista ngayon ang nag-aangkin ng mala-Diyosang kagandahan sa industriya ng show business. Siya ay kilala rin bilang Hope Elizabeth Soberano na ipinanganak noong Enero 4, 1998. Siya ay 21 taong gulang na aktres at modelo. Nagsimula siya sa ilang mga teleserye sa telebisyon tulad na lamang ng “Wansapanataym” noong 2011, “Kung Ako’y Iiwan mo” noong 2012, “She’s the one” at “Must be love” noong 2013. Ngunit mas nakilala siya dahil sa kaniyang natatanging pagganap bilang Maria Agnes Calay sa romantic comedy television series na “Forevermore” katambal si Enrique Gil. Kilala rin siya bilang “Campaign Asia-Pacific’s Most Popular Endorser” noong 2017. at pinaka-aabangan din ang gagampanan niyang karakter bilang bagong “Darna”.


Ngunit hindi lang pala puso ng mga Pilipino ang kaniyang napukaw kundi maging ang ilang mga dayuhan din ay manghang-mangha sa kaniya. Tunay ngang marami ang natatameme sa kaniyang angking kagandahan. Ngunit kamakailan lamang ay nagulat din ang marami sa kumalat na larawan ng bata na ito na tila kakambal ng artistang si Liza Soberano. Kung akala ng ilan ay larawan ito ni Liza Soberano noong siya ay bata pa, marami ang nagkamali dahil ito pala ay larawan ni Maximy Buera Tadeo na tinaguriang Little Liza Soberano ng Naga, City.




Kitang-kita ang malaking pagkakahawig ng mukha ng bata na ito sa mukha ng artistang si Liza Soberano. Magmula sa hugis ng kaniyang mukha, sa kilay at lalo na sa kaniyang mga mata ay hindi maipagkakaila ang kanilang pagkakamukha. Mukhang malaki ang pag-asa ni Maximy na sumunod sa yapak ni Liza Soberano. Ang nasabing larawan ay mula sa patimpalak na sinalihan niya kamakailan lamang.


Hindi lamang pala industriya ng show business ang kaniyang kayang pasukin kundi maging ang patimpalak ng pagandahan. At sa murang edad pa lamang ay kakikitaan na siya ng potensiyal. Talaga namang nakakapanabik makita ang munting Liza Soberano na ito sa telebisyon, sa mga pelikula, at sa entablado.