Ilan lamang ito sa mga magandang tanawin ng karagatan na nakakabighaning talaga!



Ang mundo ay binubuo ng three-fourth na katubigan, at malaking bahagi nito ay karagatan. Sino ba namang hindi ma-rerelax sa napakagandang tanawin ng ilan sa mga karagatan natin? Talaga namang mapapanganga at mapatameme ka na lang sa pagkamangha sa mga ito. Isa-isahin ang mga kabigha-bighaning mga tanawin na ito:

1. ANG LUGAR KUNG SAAN NAGTATAGPO ANG ATLANTIC OCEAN AT ANG CARIBBEAN SEA SA ELEUTHERA ISLAND SA BAHAMAS




Talaga namang pupukaw sa iyong atensyon ang pagkaasul ng dalawang dagat na ito. Tila baga nagsasabi at humihikayat sa atin na magtampisaw sa malinaw at malamig na tubig nito.

2. ANG LUGAR NG PAGTATAGPO NG BALTIC AT NORTH SEA SA DENMARK/SWEDEN



Ang lugar na ito ay talaga namang nakamamangha dahil sa maaninag mo talaga ang kulay ng dalawang dagat na nagtagpo ngunit hindi tuluyang naghahalo! Ang galing di ba?

3. HORIZONTAL FALLS SA AUSTRALIA



Isa rin ito sa pinakamaganda at makapigil hiningang tanawin ng dagat. Nakuha din nito ang kaniyang pangalan dahil sa kakaibang pag-agos ng tubig nito.

4. ANG DEEP CHANNEL SA GREAT BARRIER REEF SA AUSTRALIA




Sino ba namang hindi mamamangha sa ganitong napakagandang tanawin? Ang Great Barrier Reef sa Australia ay naghihiwalay sa Hardy Reef at Hook Reef na nagiging dahilan naman ng magandang tanawin na ito.

5. UNDERWATER WATERFALL SA MAURITIUS


Ayon na rin sa pangalan nito na “underwater waterfall” aakalain mong talon nga ang makikita mong tanawin ngunit ito ay ilusyon lamang na dala ng silt at mga buhangin.

6. ANG GREAT BLUE HOLE SA BELIZE




Ang malaking butas na ito ay parte ng Belize Barrier Reef Reserve System na kabilang din sa UNESCO WORLD HERITAGE SITE.

7. BALL’S PYRAMID SA AUSTRALIA


Ang Ball’s pyramid na ito ay kilala na “high-standing erosional remnant” ng caldera at shield volcano. Ito rin ang pinakamataas na volcanic stack sa buong mundo.

8. MALÉ, MALDIVES


Ang islang ito a halimbawa ng “urbanized island”. Kung ito ay kukuhanan mo ng litrato mula sa itaas tiyak na mamamangha ka sa ganda nito!

9. ATLANTIC OCEAN ROAD SA NORWAY


Aakalain mo bang highway ito sa Atlantic Ocean? Nanaisin mo kayang dumaan dito lalo na kung maulan at may mataas na mga alon!

10. ROCK ISLAND SA PALAU


Napakaraming mga beach dito at isa ito sa pinaka-dinarayong lugar ng mga turista.




error: Content is protected !!