Napakahusay talaga ng Pinoy para makapag-imbento ng lampara na mula sa asin at tubig na tatagal ng 8 oras!



Napakahalaga ng kuryente sa bawat pamilyang Pilipino lalo na sa ngayon ng modernong teknolohiya. Bagamat isa na ito sa mga pangunahing pangangailan natin marami pa rin ang hindi nagkakaroon ng pagkakataong makaranas ng maayos na elektrisidad lalo na yaong mga naninirahan sa liblib na lugar. Dahil sa liblib ang mga lugar na ito ay limitado rin ang suporta ng gobyerno na kanilang natatanggap, ilan ito sa rason kung kaya naaapektuhan ang kanilang kalusugan at maging ang kanilang mga pagkain.




Dahil na rin sa ganitong karanasan ay nakahanap ng paraan ang tatlong Pilipinong magkakapatid na ito. Sila ay nakilala bilang sina Aisa Mijeno, kaagapay ang kaniyang mga kapatid na sina Ralph Mijeno at Oscar Bryan Magtibay na nakagawa ng lamparang pinapatakbo lamang ng asin at tubig. Si Aisa ay isang computer engineering graduate at kasalukuyang miyembro ng engineering faculty ng De La Salle University sa Lipa, Batangas.


Kaakibat ang kaniyang mga kapatid ay nakalikha sila ng lampara sa pamamagitan lamang ng tubig gripo at dalawang kutsarang asin na tatagal ng walang patid na walong oras. Higit pa riyan, ang lampara ay mapapagana ng natural na tubig alat!





Ang kanilang imbensyon ay tinawag nilang SALt o “Sustainable Alternative Lightning”. Ito na marahil ang papalit sa nakasanayan nating gasera at kandila na naging liwanag din ng maraming tahanan ng mga Pilipino. Kung akala mong yun lang ang kayang gawin ng kanilang imbensyon, tiyak na ikakagulat mong malaman na mayroon din itong USB port kung saan maaari kang magcharge ng iyong cellphone. Ang galing di ba?




Kung sa ilang mga liblib na lugar ay kinakailangan pang maglakad ng hanggang anim na oras para lamang makakuha ng gaas ngayon ay may mas madali ng paraan upang magkaroon ng ilaw mga tahanan doon. Paglilinaw din ng imbentor na ito na wala silang nais kalabanin ang mga kompanyang nagbibigay ng katulad na serbisyo o di kaya naman ay mga nagnenegosyo ng “solar panel”. Ang nais lamang nila ay makatulong sa maraming mga mahihirap ay liblib na nayon lalo na ang Kalinga kung saan nagmula ang imbensyon na ito.







error: Content is protected !!