Isang Champion Koi Fish na umabot sa 1.8 Million Dollars ang nasabing pinaka-mahal na isdang nabubuhay ngayon sa mundo

Mahilig ka bang mag-alaga ng isda? Kinagigiliwan mo bang mangolekta ng ibat-ibang klase ng mga isda? Baka isa na ito sa mga pinapangarap mong isda! Dahil hindi ka maniniwala sa halaga ng isdang ito. Isang Champion Koi ang nagkaroon ng world record dahil sa sobrang mahal nito. Mayroong haba na 101 centimeters ang isda na ito. at na-benta sa auction sa halagang 203 million yen o tumatayang PHP 949,450,456.47.


Ang kulay pula at puti na Koi Carp ay nagmula sa Japan. Kilala ito bilang ‘S Legend’. Ang pagiging malaki nito ang naging dahilan sa pagkapanalo nito bilang first prize sa isang kilalang All Japan Koi show. Ang nasabing koi ay isang babae. Ibig sabihin, may kakayahan itong makapagbigay ng itlog upang dumami pa. Kaya naman ito ang naging dahilan upang paglabanan ng maraming tao ang bid sa auction.


Ayon kay Tim Waddington na isang British Koi na eksperto:
“This is a record price paid for a single Koi Carp. At 101cm it is very large and from the favored Kohaku variety. People in the Koi carp world are excited by the sale as it is an incredible price for a single fish. The previous best price was around £400,000 ($500,000). It really is a crazy world,”.


Kahit na naka-public ang auction, ang pagka-kilanlan ng nakabili ng nasabing Koi ay isang lihim. Nakilala lang siya sa palayaw na Ms. Yingying na taga Taiwan. Siyempre hindi niya mabibili ito kung hindi siya mayaman.

Ang isang Champion Koi ay may kakayahang makapag-bigay ng 500,000 na itlog at 5,000 lang sa mga itlog nito ang may magandang quality upang mabenta o kaya palakihin at alagaan. Masasabi na isang malaking balik pa rin sa kanya upang pagkakitaan ito. Baka sakaling magmula din sa nabiling Champion Koi ang susunod na magkaroon ng record o kaya naman mahigitan pa nito.



Reply

error: Content is protected !!