Kilalanin natin ang isang magandang babae na nagtitinda sa palengke



Isang tunay na marangal na trabaho ang pagtitinda sa palengke. Kaso may ilan na ayaw ang klase ng pamumuhay na ito. Ang ibang tao kasi ay maselan at ayaw marumihan. Kaya naman lubos na nakaka-bilib din ang mga taong nagtitinda sa palengke. Kahit na marumihan at mahirapan sila, tuloy pa rin ang paghahanap buhay.


At huwag maliitin ang trabaho na ito! Ang pagtitinda sa palengke ay talaga namang kumikita ng malaki. Kung ikaw ay isang nagtitinda sa palengke, kinakailangan lamang ay maging magiliw ka sa iyong mamimili. Sa paraang ito ay dadami ang bibili sayo at magkakaroon ka ng suki. Pero ang nakaka-mangha ay isang napaka-gandang babae na nagtitinda sa palengle ng Taiwan. Ang babaeng ito ay nagngangalang Liu Pengpeng. Siya ay nakuhanan ng litrato sa may palengke ng Changhua, Taiwan.




Isang mamimili ang nabighani sa kagandahan ng dalaga na naging dahilan upang kuhanan niya ng litrato. Si Liu Pengpeng ay nakitang nagtitinda ng isda. Sino mag-aakala na may mala-diyosang kagandahan ang magtitinda sa palengke. Kaya naman ang larawan ni Liu Pengpeng ay mabilis kumalat sa social media at umani ng maraming magagandang komento at reaksyon. Si Liu Pengpeng ay isang 26 anyos na isa ring modelo sa Taiwan. Kung mapapansin ay maganda ang hubog ng kanyang katawan na may makinis at maputing balat. Mas nakaka-mangha din ang kagandahan ng kanyang mukha.



Tinutulungan ni Liu ang kanyang ina sa pagtitinda ng isda sa palengke kung sakaling wala siyang trabaho. Ang sabi ng kanyag ina na talagang masipag ang kanyang anak kahit hindi pa nagiging modelo si Liu. Dahil sa mga larawang nakita sa pagtitinda ng isda ni Liu, hindi mo lubos akalain na matagal na pala niyang ginagawa ito. Kaya naman sa mga ibinahaging mga larawan ay lubos siyang nagpapasalamat sa mga magagandang papuri na nakuha. Nagsabi na din siya ng araw kung kailan ulit siya magtitinda sa palengke. O diba? Dahil sa kagandahan niyang taglay, malamang ay ubos ang paninda nilang isda!




error: Content is protected !!