Marami ang naantig sa kwento ng mag-ama na ito kung saan ang anak ang nagsisilbing gabay at mga mata ng kaniyang ama na nagtatrabaho sa kabila ng kapansanan nito!



Ang pagmamahal ng isang magulang ay talaga naman hindi matatawaran. Maaaring ang pagiging isang ina o ama ay mayroong kaakibat na malaking responsibilidad at hindi maituturing na basta basta lamang. Hindi ito isang laro o isang desisyon na kapag ayaw mo na ay napakadaling lusutan o kaya naman ay ipagsawalang-bahala na lamang. Kung kaya naman marami sa mga anak ay labis labis ang pasasalamat sa kanilang mga mahal na mga magulang.


Ang kwento ng mag-ama na ito ay talaga namang kukurot sa ating mga puso at tiyak na marami ang mga aral na ating matutunan. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kwento ni Nelson “Dodong” Pepe, isang masipag na ama na sa kabila ng kapansanan ay hindi tumigil sa pagtatrabaho. Si Mang Nelson ay inihahatid ng kaniyang batang anak na babae na nagngangalang Jenny sa kaniyang pinagtatrabahuhan na niyugan araw-araw. Dahil sa may kapansanan sa paningin ang kaniyang ama, gumagamit na lamang ng kahoy si Jenny upang magabayan ang kaniyang ama sa paglalakad mula sa kanilang tahanan patungo sa kaniyang trabaho.




Si Jenny na rin ang tumutulong sa ama kapag ito ay kakain o kaya naman ay nag-aabot ng tubig kapag ito ay nauuhas. Matiyaga din niyang hinihintay matapos ang kaniyang ama sa trabaho nito dahil sabay din silang uuwi ng kaniyang ama sa kanilang munting tahanan.


Ayon pa sa ilang panayam, nasa 60 na puno ang inaakyat ng ama sa araw-araw upang kumita lamang ng 300 piso! Dahil sa panayam na ito ng ABS-CBN network na kumalat sa social media, marami ang nag-abot ng tulong sa mag-ama. Marami ang nag-abot ng pinansyal na tulong sa pamilya, bag at payong para kay Jenny, habang ang ABS-CBN Foundation naman ay nagbigay ng livelihood training para kay Mang Nelson at nang hindi na siya umakyat pa ng puno ng niyog at maglakad ng malayo upang makarating sa coconut farm. Ang ilan namang nais tumulong sa pamilyang ito ay nangakong tutulong sa pag-aaral ng mga anak ni Mang Nelson.





error: Content is protected !!