Saksihan ang napakaganda at kamangha-mangha na gintong tulay sa Vietnam na tila itinataas ng dalawang higanteng mga kamay!



Ang bansang Vietnam ay kilala sa mga ilog, tabing-dagat, pagoda ng mga Budista, mataong lungsod. Bukod sa mga dinarayong temple at masasarap na pagkain, mayroon pang lugar sa Vietnam na talaga namang dinarayo ng maraming mga turista.


Ang kakabukas pa lamang na tourist destination na ito ay kilala bilang “Cau Vang” o “Golden Bridge” na matatagpuan sa Da Nang, Vietnam. Ang tulay na ito ay mayroong gintong kulay na 150 metro ang haba at 1.4 kilometro ang taas mula sa dagat. Ito ay idinisenyo upang pagdugtungin ang mga cable car station sa mga hardin at makapaghatid ng kamangha-manghang mga tanawin. Ang nasabing tulay ay mayroon ding dalawang malalaking batong kamay na tila sumusuporta sa nasabing istruktura.




Ang kakaiba at kamangha-manghang istruktura na ito ay likha ng TA Landscape Architecture sa Ho Chi Minh City. Inanunsyo ng Vietnam ang pagbubukas nito ng Hunyo taong 2018, at mula noon ay dinarayo na ng napakaraming mga turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nagnanais na masaksihan, makita at maranasan ang ganda ng lugar na ito.


Ang tulay na ito ay hindi lamang natural na tulay dahil bukod sa kulay ginto nitong nakakaakit sa mga mata ay mayroon din itong Lobelia Chrysanthemum na nakalinya sa mga dulo nito na umaabot ng 150 metro ang haba. Dahil sa amoy nito ay mas naiingganya pa ang maraming mga turista sa napakagandang tanawin dito. Bukod dito, talaga namang nakakamangha ang mala-pantaseryeng itsura ng lugar dahil sa dalawang higateng kamay na may hawak sa istrukturang ito. Talaga namang hindi ka magdadalawang isip na kumuha ng kumuha ng larawan sa napakagandang lugar na ito!





error: Content is protected !!