Siya si Marela Torre, Ang maganda at talented na anak ni Joel Torre! Ating kilalanin



Karaniwan sa mga hinahangaan nating nga artista ay inaabangan din natin ang mga anak nila. Hindi imposible na maaring maging artista din ang mga anak dahil madali na para sa kanila ang pagpasok dito. At siyempre, hindi maitatanggi na siguradong maganda ang itsura ng magiging anak ng mga artista.




Ang isang halimbawa dito ay ang anak ni Joel Torre. Si Joel Torre ay isa sa magagaling at beterenong aktor. Hindi matatawaran ang angking kagalingan niya sa pag-akto. Ang tunay na pangalan niya ay Jose Rizalino De Leon Torre na ipinanganak noong Hunyo 19, 1961. Mas nakilala pa si Joel dahil sa pagganap sa ating pambansang bayani sa isang pelikula na Jose Rizal noong taong 1998. Nasundan pa ito ng ng mga palabas na On the Job taong 2013 at Amigo noong taong 2010 at dito ay nanalo siya bilang Best Actor sa 17th Punchon International Fantastic Film Festival.





Dahil sa kahusayan ni Joel Torre, maraming nakapansin din sa taglay na kagandahan ng kanyang anak na si Marela. Si Marela Torre ay isa sa mga anak nila ni Cristy Azcona Torre at ni Joel Torre. Neto lamang ay naging laman siya ng YES! Magazine. Bagamat hindi pagaartista ang kagustuhan ng dalaga, may ilan na nanghihinayang dahil sa pagka-artistahin ng dalaga. Pero talagang ninais ng dalaga na mamuhay sa labas ng camera.




Bukod sa taglay na kagandahan ni Marela, may mga angking talento rin siyang pinamamalas. Isa na dito ang pagpipinta at pag-landscape. Mapapatunayan ito sa kanyang social media account. Mahilig din si Marela magpunta sa mga dagat at mamasyal. At ang kakaiba pa sa hilig niya ay ang boxing.



Sa ngayon ay isa si Marela sa tumutulong sa negosyo ng kanyang pamilya. Ito ay ang JT’s Manukan Grille na isang restaurant. Karaniwang mga pagkain dito ay mga pagkaing Bacolod. Dahil sikat din ang Bacolod sa kanilang Chicken Insasal. Sa pagiging masipag ni Marela, humihingi pa rin siya ng payo sa kanyang ama lalong-lalo na sa pagtataguyod ng kanilang negosyo.



“Lagi niya pong sinasabi sa’kin, ‘We only have one name, so we have to be careful.’ So ‘yon, I’m doing my best.”






error: Content is protected !!