Usap-usapan sa social media ang tindera ng payong na ito na talaga namang mabibighani ka sa angkin niyang kagandahan!



Isang larawan na naman ng tindera na mayroong angkin na kagandahan ang kumakalat sa social media malapit sa Farmer’s Mall Cubao. Siya ay isang tindera ng payong. Kadalasan na ngang nagbabahagi ng mga magagandang larawan ng iba’t-ibang uri at propesyon ng tao ang mga netizen halos araw-araw.


Agad naman itong nakapukaw ng atensyon ng maraming mga netizen dahil sa hindi nga naman natural na makita ang isang babae o lalaki na may angking kagandahan, talento, o kakisigan sa isang partikular na lugar. Sa nasabing viral na larawan ni “Payong Girl”, siya ay nakuhan ng litrato sa pwesto na kaniyang pinagtitindahan habang nakasuot ng maroon na cropped-top at denim shorts.




Ang nasabing post ay umani na ng 4.4 libong reaksyon, 4.2 libong shares, at 1.1 libong komento. Marami din namang mga netizen ang nagbahagi ng kanilang mga komento patungkol sa nasabing larawan ng tinaguriang “Payong Girl”. Ilan din naman sa mga netizen ay ibinahagi ang nasabing larawan sa sikat na programa ng GMA network na “Kapuso Mo, Jessica Sojo”.


Talaga nga namang iba ang kapangyarihan ng social media sa ating panahon ngayon. Tulad na lamang ng naging kasikatan nina Carrot Man at Badjao Girl. Malayong malayo sa pamumuhay nila noon, unti-unti na silang nagkakaroon ng pag-asa at mas maliwanag na kinabukasan. Salamat na lamang sa mga tao na naging dahilan upang sila ay makilala sa publiko. Sino-sino pa kaya ang susunod sa yapak ng mga internet sensation na ito? Tiyak na marami sa atin ang hindi na makapaghintay at patuloy lamang na nag-aabang!